Chapter 20

3 0 0
                                    

Hindi pa rin ako kinakausap ni kuya. Kapag nagtatanong ako, oo at hindi lang ang sagot niya, kung minsan ay tatango lang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni kuya.

"Kuya, papasok na ako" sabi ko kay kuya na nakatalikod sa akin. Nakita ko siyang tumango. Napabuntong hininga ako bago nilisan ang bahay.

Ilang araw na lang at malapit na akong mag moving up. Iniisip ko pa lang na matatapos na ako sa junior high school, ang saya ko na.

Kinuha ko na ang bike ko at nagtungo na sa school. Nang makarating ako sa room, si Nani pa lang ang tao roon.

"Ikaw pa lang?" Tanong ko sa kanya at umupo na ako. "Hindi, meron pang iba, bumaba lang" sagot niya sa akin.

Tumango ako sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay. "Anong nangyari?" Tanong niya. Paniguradong tungkol ito sa amin ni Gio.

"Huh?" Painosente kong sabi. Ngumiwi siya at tumabi sa akin. "Ano nga?" Tanong niya at siniko ako. Nginiwian ko lang siya at kinuwento ang buong pangyayari maliban sa unang gabi namin.

"Edi mahal ka rin niya?" Tanong niya, tumango ako. Nagtititili siya kaya pinigilan ko. "Ang ingay mo" sabi ko sa kanya. "Sorry, kinikilig kasi ako sa inyo 'e" sabi niya.

Marami nang dumadating na mga estudyante pero si Gio na lang ang wala pa. Dumating ang guro pero wala pa rin siya. Natapos ang buong klase pero siya lang ang absent.

"Uy, sama ako 'a" rinig kong sabi ni Shane kay Harah. Simula nang dumating ako, lagi na nila ako tinatarayan at pinariringgan.

"Syempre, kasama ka" sabi niya kay Shane habang nagme make up.  "I'm so happy na mapapasa akin din siya" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at nilisan ang classroom. "Alice!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pag gulat sa akin ni Sean. "Bakit ka ba nangugulat?" Inis na tanong ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Aray, sorry na" natatawa niya pang sabi kaya hinampas ko uli siya. "Narinig mo bang ikakasal na si Gio?" Tanong niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Kanino naman siya magpapakasal?" sabi ko. Ako ang mahal ni Gio kaya ako lang ang papakasalan niya.

"Hindi ko alam pero--" hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis akong nagpidal paalis. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ako lumingon.

Nakaratin ako sa bahay at si kuya ang bumungad sa akin. Naka tuxedo siya at may pinipindot sa kanyang telepono.

"Kuya" tawag ko at nakuha ko naman ang atensyon niya. "Andiyan ka na pala, kanina pa kita hinihintay" seryosong sabi niya. Hanggang ngayon hindi pa rin kami maayos. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo siya. "Magbihis kana at may pupuntahan tayo" sabi niya. Kinabahan ako. Sana mali 'tong iniisp ko. Kaya hindi siya nakapasok dahil baka may pinuntahan or may sakit.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero patuloy pa rin sa pagtibok ng malakas ang puso ko. "Sa kasal ng mahal mo" sabi niya. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagsisinungaling lang sila. Hindi magagawa ni Gio na saktan ako. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Mali silang lahat. Sana.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now