Chapter 30

3 0 0
                                    

Tahimik akong kumakain ng almusal dito sa loob ng kwarto habang pinagmamasdan si Gio na mahimbing na natutulog. Saglit akong napangiti at bumalik na sa pagkain.

Nang maayos ako, lumapit ako sa kama at ginising si Gio para makakain na siya. "Gio, gumising ka na." Sabi ko habang mahina ko siyang niyuyugyog. Ngumiti agad siya sa akin nang magising siya.

"Good morning." Aniya at lumapit para humalik sa akin. "Kumain ka na at maliligo na ako." Sabi ko at nilapit ko sa kanya ang isang tray kung nasan ang pagkain.

Pumasok na ako sa loob ng banyo pero bago ko isara nag salita pa si Gio. "Gusto mo samahan kita maliligo?" Tanong nito na may halong nakakalokong ngiti. Nginiwian ko lamang siya bilang pagsagot.

Nang maayos na akong maligo at tapos na rin si Gio, nagtungo kaming dalawa sa lobby. Pumasok na kami sa loob ng kotse niya. Ayon doon sa bodyguard ni Sir. Lucas, dalawang oras ang byahe. 7 am na at 11 am simula ng meeting ni Sir. Lucas.

"Saan mo ako hihintayin kapag natapos na ang meeting?" Tanong ko kay Gio na nagmamaneho. Tinignan ko ang kamay niya na halatang halata ang mga veins dahil sa pagkaputi ng kamay niya. Nakakagwapo.

"I'll wait in the lobby of the building." Aniya at nginitian ako. Tinitigan ko lang ang napakagandang mukha niya. Swerte ko naman at biniyayaan ako ng ganito. "Stop staring, ibabalik kita sa hotel." Sabi niya, napanguso na lang ako.

Nang makarating na ako sa isang marangyang building. Napakaganda ng labas at loob ng building. Akala mo reyna at hari ang may ari nito. Napaka pormal ng mga nagtatrabaho.

Isang id ang binigay sa akin ng babae. "Are you the secretary of Lucas De Guzman?" Tanong ng babae na may blonde at maiksing buhok. "Yes, ma'am." Nakangiting sagot ko. "Come with me." Aniya. Hinanap ko si Gio. Nang makita ko siya ay kinawayan ko siya. Napangiti ako nang makita ko ang nakangiti niyang labi.

Sumunod ako sa babae at sumakay sa elevator. Tahimik lang ako sa likod. Sumunod lang ako hanggang sa makarating kami sa isang pintuan. Pumasok kami roon at marami akong nakitang lalaking naka suit. May ibang foreigner at meron ring hindi. Mukha silang mayayaman.

Nagsitayuan silang lahat nang dumating si Sir. Lucas at nagpunta sa harap. Para siyang Hari na hinihintay sa isang kainan. Nasa likod ako kasama ang dalawang babae at tatlong lalaki.

Nagsimula na silang magmeeting. May pinapakitang data sa isang malaking white screen at dinidiscuss ito ng isang lalaki. Matagal ang meeting. Napakaraming dinidiscuss at hindi na ako nakakasabay kaya kinausap ko na lang yung babae na katabi ko. Sa aming anim kasi, kaming dalawa lang ang Pilipino. Magtatanong sana ako kung hindi lang nakita ko yung babae na naghatid sa akin dito na masama ang tingin. Umiwas na lang ako ng tingin.

Tinignan ko yung mga nag mimeeting. Merong nagtatanong at sinasagot naman ito ng maayos ng lalaking nagdidiscuss. Hindi ko na sila maintindihan. Nang matapos ang meeting. Agad akong lumapit kay Sir. Lucas. "Do I have a meeting tomorrow?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa elevator. "Yes sir. You have meeting with Mr. Lancelot Smith at Mr. Xiao Ping at 12pm". Sagot ko.

Pumasok siya sa isang kwarto na opisina pala niya. "Do you need something sir?" Tanong ko nang makaupo siya. "None, you can go." Tumango ako. Lumalabas na sana ako nang tawagin niya ako.

"Bakit po sir?" Tanong ko. "Kasama mo ba si Gio?" Tanong niya. "Yes sir." Sagot ko. Umiling lang siya. "Kung may kailangan po kayo, nasa lobby lang po ako." Sabi ko sa kanya. "You can go to hotel, rest. I know you're tired." Tipid akong ngumiti. "Kayo rin po sir." Sabi ko at lumabas na.

Nagpunta na ako sa lobby at nakita ko si Gio na nakaupo. Nakacrossed arm siya at nakatingala, nakapikit siya. Lumapit ako at yumuko. Malakas kong hinipan ang mukha niya na ikinagising niya. "Tapos na ang meeting?" Tanong niya. Tinabihan ko siya sa pag upo at sumandal sa balikat niya. "Opo, uwi na tayo." Sagot ko. Nagtungo kami sa parking lot. Habang nasa byahe ay nakatulog na ako.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now