Magaling na si Gio ata nasa labas kami ngayon. Dahil hindi ko naman alam na mabilis na mamatapos yung meeting, wala akong dala kahit isang swimsuit. Kaya magsiswimming akong naka t-shirt at shorts.
Sumakay kami mula hotel hanggang beach. Minuto lang naman ang bilis ng byahe. Hindi masyado maraming tao ngayon. "Dapat pala nagdala ako kahit isa manlang swimsuit." Nakanguso kong sabi. Maraming babae na naka bikini. Kitang kita ang pagka-slim ng bewang nila. "Ayos na yang ganyan." Sagot ni Gio. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Nasa harapan ko siya. "Balik na lang kaya tayong hotel." Sabi ko sa kanya pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin, binuhat niya ako na parang pa-bridal carry papunta sa dagat.
"Huy, ibaba mo nga ako." Sabi ko pero dirediretso lang siya. "Huys ibaba mo na ako, hindi ako marunong lumangoy." Dagdag ko pa kaya tumigil siya. Nasa dagat na kami at ramdam ko na ang tubig sa likod ko. "Well, I'll teach you." Aniya at dumiretso lang hanggang sa lumubog na kami. Inihanda ko na ang sarili ko bago lumubog. Nang bitawan niya ako ay nagkakakawag ako. Pakiramdam ko kasi ay malulunod na ako. Biglang humarap sa akin si Gio at hinawakan ang mukha ko. Hinalikan niya muna ako sa noo bago ako halikan sa labi.
Akala ko hindi namin magagawa iyon sa ilalim ng tubig pero nagkamali ako. Napaka-expert niya talaga pagdating sa ganitong bagay. Bumitaw siya sa pagkahalik at umahon na kami. "Did you learn how to swim?" Nakangising tanong niya. "Hinalikan mo lang ako pero hindi mo ako tinuruan." Sagot ko sa kanya.
Natapos ang araw na iyon nang hindi niya ako tinuruan. Puro halik lang ang inabot ko sa kanya.
Gabi na ngayon at tapos na kami kumain. Nanonood kami ng movies. "You really love horror movies." Bulong niya sa tenga ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya. "Of course, I do." Sagot ko. Since grade 5 ako, I always watch horror movie. Hindi ko alam kung bakit pero I do really love horror.
Sa kalagitnaan ng panonood namin ay isang text ang dumating sa cellphone ni Gio. "Baby, we should go back. Nanggugulo daw si Harah sa bahay." Tumayo si Gio pero nakaupo pa rin ako. "Anong nanggugulo? Ano naman kailangan niya?" Tanong ko pero nagkibit balikat si Gio. Kinuha namin ang gamit namin at nagtungo na sa parking lot. Hindi ko na nagawang sabihan si Sir. Lucas. I hope he understand. Mabilis na nagmaneho si Gio.
"Gio, calm down." Sabi ko sa kanya. Sana naman walang gawing masama si Harah sa bahay nila Gio. "Yung gabi na sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko, galit na galit siya. She was angry that time to the point that she tried to kill mu dad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gio. Yun pala ang sinapit nung gabi na yon. Nakita ko na nanginginig si Gio. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Please, calm down. Everything will be alright. Wala siyang gagawing masama." Nginitian ko siya. Napansin ko na huminga siya ng malalim. Akala ko walang masamang mangyayari sa loob ng dalawang linggo sa Palawan.
