Nakatingin lang ako sa lalaki matapos niyang magsalita. "Ano, kukunin mo ba o hindi?" Tanong niya ulit habang inaabot sa akin yung telepono niya.
Tinanggal niya rin ang mga nakatali sa akin. Tinawagan ko si Gio.
"Hello?" Sabi ni Gio sa kabilang linya.
"Gio, si Alice."
"Where are you, are you okay. Did she hurt you?" Sunod sunod niyang tanong.
"Gio, I'm okay." Sagot ko sa kanya.
Tinanong ko sa lalaki kung saang address. Agad naman niyang sinabi kung saan kaya sinabi ko na kay Gio.
Pinatay ko na yung tawag at binigay ko ito sa lalaki. Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong dumadating
"Umupo ka." Utos nung lalaki. Tinignan ko siya. "Umupo ka, itatali ulit kita pero hindi mahigpit." Sabi niya.
Mabilis akong umupo at tinalian ako. Naririnig ko na ang pagtunog ng door knob.
Agad siyang lumayo sa akin kasabay ng pagbukas ng pinto. Nakakakaba.
"Lumabas muna kayong lahat." Utos ni Harah sa mga lalaki. Tinignan ko yung lalaki na nakayuko habang naglalakad palabas.
"You're so beautiful, Alice." Sabi niya sa akin habang nasa ilalim ko ang maliit na kutsilyo. "Pero hindi na makikita ni Gio 'yan." Napasigaw ako nang sugatan niya ang pisngi.
"Your scream is music to my ear. I love it when you're suffering." Dagdag na sabi niya. Muli akong napasigaw ng kutsilyuhin niya ako sa braso. Pakiramdam ko sobrang lalim ng sugat na yon.
Tumawa ng malakas kaya tinignan ko siya ng masama. "Napakasama mo'ng babae. Alam ko na kung bakit hindi ka minahal ni Gio, ang pangit kasi ng ugali mo." Sigaw ko sa kanya
Mukhang nainis siya dahil sinabunutan niya ako. Sinabunutan niya ako hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Nag-aalala ako sa tali, baka sa sobrang luwag, matanggal ito.
Dinala niya ako sa isang malaking sala. Nasa tapat ako ng pintuan.
Nakahiga ako at namamalipit sa sakit.
Lumapit sa akin si Harah at tinapat sa akin ang baril."Any last word, Alice." Sambit nito. Papaputikin niya na ito kaya pumikit. Nakapikit lang ako hanggang sa pumutok na ang baril.
Katapusan ko na ba?
Napadilat ako at nakita ko si Harah na lumalabas ang mga dugo sa bibig. Napa atras ako nang bigla siyang bumagsak.
"Alice." Napatingin ako sa pinto nang may tumawag sa akin.
Gio.
Tumakbo ako papalapit sa kanya pero nanlaki ang mga mata ko nang may biglang bumaril sa kanya.
Parang huminto ang hininga ko. Nagsituluan ang mga luha ko nang bigla siyang bumagsak.
Hindi ko pinansin yung mga pulis at mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Gio, 'wag kang pipikit. Saglit lang muna, please." Sabi ko at kinukuha ang ang mga kamay niya.
May dumating na ambulansiya at pinasok siya sa loob.