Nakakainis. Nakakairita. Nakakagalit. Ang sakit makitang masaya sila matapos ang lahat. Nagtatawanan at nagkekwentuhan, habang ako, nakatingin sa kanila. Bakit? Bakit sila nagagawa nilang maging masaya? Bakit ako hindi ko kaya? Ganun na nga siguro kapag nabalutan ng galit ang puso. Mahirap ayusin, malala pa, baka hindi na bumalik sa dati.
Napatingin ako kay kuya nang kalabitin niya ako. "Kainin mo na 'yan" sabi niya at inilapit ang pagkain sa akin. Tinignan ko silang tatlo na nasa harapan ko na nagsusubuan ng pagkain.
"Wala akong gana" sagot ko sa kanya. Nagcrossed arm ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang malalim na buntong hininga ni kuya.
Parang gusto ko na lang mawala bigla para hindi sila makasama, pero hindi pwede. Nang matapos kami ay lumabas kami ng restaurant.
Tinignan nila kami ni Kuya. "Saan niyo pa gusto pumunta?" Nakangiti niyang tanong. "Uuwi na ako" seryosong sagot ko sa kanya. Ramdam ko ang pagsiko ni kuya pero hindi ko iyun pinansin.
Ngumiti muna siya bago sumagot. "Sige, uuwi na tayo 'nak, pero may bibilhin lang ako sa department store" sagot niya. Silang tao ang umalis at naiwan kami ni kuya roon.
"Bakit naman ganun ang pakikitungo mo kay mama?" Nakakunot ang noo na tanong ni kuya. "Ayoko silang kasama" sagot ko sa kanya.
Tinignan muna niya ako bago sumagot. "Alam kong ayaw mo siya makasama, pero Alice, minsan lang natin makasama si mama, alam mo ba 'yun?" Hindi ko na sinagot si kuya. Maya maya ay dumating na silang tatlo.
"I'm so excited to open this, mommy" sabi ni Allan. Napansin ko na isang toy car ang hawak niya. Kami, hindi namin naranasan na bilhan niya ng laruan. Kahit ano pwede, pero wala kahit isa.
Tahimik lang ako sa back seat habang si Alla at kuya ay nagkekwentuhan. Nakadungaw ako sa bintanan. Umuulan na, pinagmasdan ko ang mga sasakyan na kasabay lang namin. Pumikit ako at agad nakatulog.
Ramdam ko na parang may humahaplos sa pisngi ko. "Anak, Alice, gising na at nandito na tayo " masamang tingin ko sa kanya dahil sa paghaplos niya. May parte sa akin na masarap sa pakiramdam pero mas nangingibabaw ang galit.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. "Ben, just lay Allan on the couch" anang niya sa asawang buhat buhat ang natutulog nilang anak.
Umakyat na ako ng kwarto upang magpalit ng damit. Isang tokong at pink v-neck shirt lang ang suot ko.
Bumaba ako sa sala dahil sa pagtawag sa akin ni kuya. "Ito 'o" may umabot si kuya na parectangle na box. Maliit ito at kulay itim.
"Bigay ni mama 'yan" sambit niya sa akin. Binuksan ko ang maliit na kahon. Isang kwintas na may pendant na maliit na bilog. At sa maliit na bilog na 'yun, kailangan tignan mabuti upang makita ang salitang Alice.
Binalik ko ang kwintas sa kahon. "Hindi ako tatanggap mula sa kanya" matigas na sabi ko. "Kunin mo 'yan, wala naman siyang sinabi na suotin mo, kung gusto mo itapon mo" sagot niya sa akin at bumaba na papunta sa sala.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung mini cabinet ko at nilagay yung box don.
"Mag-iingat kayo dito 'a" paalam nila dahil aalis na sila. Hinalikan niya sa kuya. At nang ako na ang hahalikan niya umiwas ako kaya hindi na siya nakahalik.
Kumakaway si kuya sa kanila hanggang sa makaalis na. Pakiramdam ko, iniwan niya ulit kami at sumama sa iba. Yung pakiramdam ko ay parang pakiramdam ko lang rin noon nang makaalis na sila. Ang sakit.
