Nagdidiscuss ang aming guro sa matematika. "Baka balikan kayo ng mga 'yun" nag aalalang bulong ni Nani sa akin. Katabi ko siya ngayon, dahil pasaway kami, hindi namin nasusunod ang seating arrangement.
Umiling muna ako bago sumagot. "Hindi 'yan, ako bahala sa kanila" nakangiting sagot ko sa kanya.
Natapos ang discussion. Tumayo na kami ni Mia at lumabas na ng room. Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. "ALICE" sabi ng lalaking hinihingal na ngayon sa harap namin.
Ngumuso ako at pumameywang sa harap niya. "Bakit nandito ka, Sean?" Tanong ko da kanya. Si Sean ang lalaking tinulungan ko. Gr. 10 na rin siya at dalawang room lang ang agwat sa room namin.
"Aayain sana kita 'e, kain tayo, treat ko" sagot niya. Gwapo si Sean. Matangkad, makapal ang kilay, matangos ilong at maninipis ang mga labi. Maputi at makinis rin ang balat.
"Naku 'wag na, ayos na ako" nakangiting sagot ko. Kinalabit ako ni Nani kaya tinignan ko ito. "Sama ka na, minsan lang dumating ang swerte" aniya habang nagtataas baba ang dalawang kilay. Nginiwian ko siya.
"Oo nga, tsaka hindi mo kailangan gumastos, libre kita" pagsasang ayon niya. Wala akong nagawa kundi huminga ng malalim at umo-oo.
Nagpaalam na si Nani dahil may dadaanan pa raw sila. "Tara na" sabi ni Sean. Tumango ako at sabay kaming lumabas ng paaralan.
Napagalaman ko na nagbabike rin siya kaya nagbike na kami. "Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sa akin. Nagbabike kami ngayon sa gilid ng highway.
"Jollibee na lang" sagot ko. Jollibee ang pinakamalapit na kainan sa school namin. Mabilis kaming nagtungo roon. Nang makarating ay pinark namin ang bike at pumasok na sa loob.
Pumila kami para umorder. "Ano gusto mo kainin?" Tanong niya. "Burger steak sa akin" sagot ko. Medyo mahaba rin ang pila pero mabilis rin kami naka order.
"Doon tayo" tinignan ko ang tinuro ni Sean. Isang round table na katabi ng salaming pader at nasa likod nito ang isang malaking aircon.
Pumunta kami roon at nilapag ang aming pagkain. "Salamat talaga sa pagtulong sa akin, Alice" nakangusong sambit niya.
Mahina kong pinitik ang kanya noo. "Ilang beses ka na nagpapasalamat, tama na" natatawang banggit ko. Sinimulan na namin ang pagkain at nagkwentuhan na rin.
Nalaman ko na only child si Sean at ang papa na lang ang meron siya. Hindi sila mayaman kaya rin siya nabubully. I felt bad for him. Sa kabila ng gwapo niyang itsura ay ang problema niyang dinadala. Mas matanda rin siya sa akin ng isang taon kaya sabi niya ay kuya dapat ang itawag ko sa kanya.
"Sige, kuya na ang itatawag ko sa iyo" sambit ko sa kanya. Marahan niyang tinap ang ulo ko na parang napakabait kong bata. Ngumiwi ako na ikinatawa niya.
"Ang cute mo kapag naiinis" tinaasan ko siya ng kilay. "Kahit hindi ako naiinis, cute pa rin ako" sagot ko sa kanya.
Ilang minuto niya rin ako tinitigan atsaka nagsalita. "Oo, cute ka rin kahit seryoso tapos maganda kapag tumatawa" anang niya. Ano ba pinagsasasabi ng isang 'to?