Masakit ang iwan ng walang dahilan. Pero mas masakit na ikaw ang pinangakuan, pero sa iba tinupad.
Tulala ako habang nanonood sa kanila. Nasa likod ako ng maraming tao habang sila ay nagsasaya. Ang sakit, gusto ko magwala, gusto ko basagin sa mukha nila lahat ng babasaging bagay na makikita ko. Pero wala naman magbabago.
"Sa wakas ay engaged ka na, hijo" sabi ng isang matandang babae kay Gio. Simpleng ngiti lang ang sinagot nito sa babae. Nagtama ang paningin namin at nakita ko ang pamumula ng mata niya. Maya maya ay tumulo ang kanyang mga luha.
Bakit ka umiiyak? Ayokong makita kang umiiyak. Kahit nasaktan mo ako, masakit pa rin na nakikita kang lumuluha.
Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas na ng mansyon. Lalabas na sana ako ng gate nang maaninag ko si Sean. Ano ginagawa niya dito?
Hinayaan ko na lamang siya at lumabas na ako tuluyan ng gate. Sumakay ako sa kotse ni kuya at naghintay lamang doon.
Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko kaya na makita siyang hawak ang kamay ng ibang babae. Hindi ko kayang may kahalikan siyang iba. Pakiramdam ko, pinagkaisahan nila ako.
Binigay ko sa kanya yung virgin ko. Tapos iiwan rin pala niya ako.
Nagulat ako nang may kumatok sa bintana. Nakita ko si Gio na seryosong nakatingin sa akin. Isinenyas niya na buksan at agad ko naman ito ginawa.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin. "Gusto ko lang makita ang mahal ko na engaged na sa iba" sabi ko at may lumandas na luha. Napatigil ako nang bigla niya akong yakapin.
"Sorry, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kaya nakipagkasundo ako, pero hindi ko itutuloy ang kasal, dahil ikaw lang ang mahal ko" sabi niya sa akin. Hindi ko siya niyakap kaya humiwalay siya.
"Pasensiya na, mahal kita pero sinaktan mo ako, ang sakit...ang sakit sakit" sabi ko sa kanya. Pinilit niya akong halikan pero tinulak ko siya.
"TAMA NA, bumalik ka na roon. Hinihintay ka ni Harah" sabi ko habang tinuturo ang bahay nila. "Wala akong pake, nakita lang kitang umiiyak kanina, fuck. Naisip ko na ang tanga tanga ko, hindi ako nag isip ng mabuti." Sabi niya sa akin at niyakap niya ulit ako.
"Ano bang nangyari, bakit kailangan mo pa siyang pakasalan?" tanong ko sa gitna ng paghagulgol.
"My mom is dying at gusto niyang makasal ako kay Harah. But, I said, I didn't want, kasi ikaw ang mahal ko, Alice, ikaw lang" sabi niya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinaghahalikan niya ito.
"Sa araw ng kasal, hindi ko sisiputin si Harah." Umiling ako. "Hindi pwede, huwag mo siyang paasahin. Kung mahal mo ako, itigil mo na iyung engagedment, hindi pwedeng sa araw mismo ng kasal" sagot ko sa kanya. Umiling siya ng umiling.
Napagtanto ko roon na talo na ako sa laban. Ubos na ako. Wala na akong magagamit para manalo. Hanggang dito na lang.
Hinatak ko ang kamay ko at pumasok sa loob ng kotse. Hindi ko na inisip si kuya at pinagana ang makina. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghampas ni Gio sa bintana.
Pinaharurot ko na ang kotse.
Talo na ako, hanggang dito na lang tayo.