Chapter 26

11 0 0
                                    

"Mukhang maganda ang mood natin 'a" bungad sa akin ni Renz. "Hindi naman" sagot ko. "Pa humble, gaga, yung ngiti mo abot hanggang tenga" pinilit kong seryosohin ang mukha ko.

"Alis ka nga, dun ka sa pwesto mo" sabi ko sabay tulak. Tinarayan niya lang ako. Naupo na ako at humarap sa computer ko. "Good morning, sir" napatingin ako sa binati ni Theo. Tinanguan lang siya ni Sir Lucas. "You, I want you to come to my office before lunch" sabi niya sa akin. "Yes, sir" sagot ko at umalis na. Napatingin ako kay Renz na lumapit bahagya sa akin, nagkibit balikat lang ako.

Malapit na mag 12 at kalahati pa lang ang natatapos ko sa mga gawain ko. Tumayo ako at naglakad palabas. "Ingat ka, madam" sabi ni Tia sa akin. Nginitian ko siya at lumabas na.

Nagpunta akong elevator. Pinakatuktok ang opisina ni Sir. Lucas. Bumukas ang elevator at nandon siya. Isang mesa at sviwel chair na nakatapat sa malaking bintana. Dahan dahan siyang umikot paharap.

"Sir. Lucas" sambit ko. Nakakatakot ang aura niya. Hindi ako masyado lumalapit sa kanya dahil parang kakain siya ng tao. Gwapo so sir, pero nakakatakot pa rin siya.

"Pinapunta kita dito, because I want to tell you something" sabi niya. "I want you to come with me in Palawan, I choose you as my secretary" Hindi ko Alan ang magiging reaksyon ko. "Ano pong gagawin ko?" Tanong ko. "Ikaw mag aayos lahat ng schedule ng mga meeting ko, ikaw rin maglilista ng mga product doon, ikaw rin ang magtatago ng mga papeles ko" sagot niya sa akin. "Hanggang kailan po ako dun?" Tanong ko. "Tatlong linggo" nanlaki ang mata ko. Ang tagal nun.

Hanggang sa pag balik ko sa bahay, yun pa rin ang iniisip ko. Sasabihin ko ba kay Gio. Kapag sinabi ko, magagalit siya, kapag hindi ko sinabi, magagalit rin siya. Sa Friday na daw kami aalis at Wednesday na. Hays, hindi ko alam ang gagawin. May parte sa akin na gusto ko dahil trabaho ito, pero may parte na ayaw ko, kasi ayokong iwan si Gio. Pero tatlong linggo lang daw, hindi naman matagal.

Nagulat ako nang biglang magring yung cellphone ko.

'Hello, sino 'to?' Tanong ko pero walang sumasagot.

'Na wrong call po ata kayo, bye' sabi ko at agad pinatay yung telepono. Bumaba ako sa kusina para magluto sana. Pero may kung anong kumakalansing na bagay kaya medyo kinabahan ako. Naghanap ako ng isang matigas na bagay pero wala akong nakita. Sa huli, isang unan ang dala. Dahan dahan akong naglakad habang patuloy pa rin sa pagtunog yung mga babasagin, kung hindi ako nagkakamali. Kagat kagat ko ang labi ko habang dahan dahan naglalakad.

Mabilis ako tumakbo papasok sa loob ng kusina at agad pinagpapalo yung magnanakaw ng unan. "Umalis ka dito, magnanakaw. Bahay ko pa talaga ang pinasok mo" sabi ko at patuloy siyang pinapalo.

"Wait...arghh...stop Alice....arghh...stop" napatigil na lang ako at nanlaki ang mata ko. "Gio, akala ko may magnanakaw" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. "Sa gwapo kong ito, mukha ng magnanakaw." Sabi niya. Ngumiwi lang ako. Dahil sa inis, pinalo ko ulit siya ng unan.

"Bwiset ka, kinabahan kaya ako" sabi ko. "Wait, baby stop" sabi niya na natatawa. Napatigil lang ako nang halikan niya ako. "Alam ko na kung ano ang magpapatigil sayo" sabi niya sa gitna ng pag halik niya.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now