Sumikat na ang araw nang makarating na kami sa bahay ni Gio. "Dad, what happened?" Tanong ni Gio. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang daddy ni Gio. May dugo sa kanyang tagiliran. "Tito, are you okay?" Tanong ko sa kanya. Walang tao sa bahay nila, siya lang. Walang maid. "I'm fine, Alice." Sabi niya. Agad akong tumawag ng ambulance. Hinawakan ko ang binti ni Tito pero napatingin ako sa kamay ko dahil basa ang binti niya. "Nagdudugo po yung binti niyo." Sabi ko. Mga ilang minuto ay dumating na rin yung ambulansiya.
Nakarating na kami sa hospital at agad dinala ng mga nurse si Tito sa emergency room. Tinignan ko si Gio. "Gio, maayos rin ang lahat." Sabi ko sa kanya. Namumula ang mata niya kaya yumuko siya. Niyakap ko siya. "Gagaling ang daddy mo." Sabi ko sa kanya at hinagod ang likod niya. "Alice...Alice...huwag mo ako iiwan." Sabi niya at nagsituluan ang mga luha ko.
Nakaupo kami ngayon ni Gio habang naghihintay ng resulta. Tulog siya at nasa balikat ko.
From: Nani.
Ayos ka lang ba. Do you want me to come?
To: Alice.From:Alice
No, I'm fine, it's okay.
To: Nani.Pinatay ko na ang telepono ko nang may lumabas na doctor. Ginising ko na si Gio. "Doc, how's my father?" Tanong ni Gio. "You're father is okay. Walang na-damage na internal organs. Ang kailangan niya lang gawin ay mamahinga." Sagot ng doktor. Naginhawaan kami sa sinabi niya. Buti na lang nasa maayos na lagay na si Tito. "See, sabi ko sayo magiging maayos rin ang lahat." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you for giving me hope." Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
Araw araw ay binibisita namin si Tito. Hindi na nagpakita si Harah pero nireport siya ni Gio. Napakadesperada niya. Sa akin siya galit, bakit iba yung sinasaktan niya. Sinabihan ko si Gio na ang pulis na ang bahala kay Harah.
Ngayon ang discharge ni Tito. Nag-aayos na kami ng gamit at pinasakay siya sa wheelchair. Nakasakay na kami ng sasakyan ni Gio.
Uuwi ako sa bahay ngayon, mga nakaraang araw kasi madalang lang ako umuwi sa bahay. Tinutulungan ko kasi si Gio.
"Dito na lang ako." Sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko. "Are you sure you're okay?" Tanong ni Gio. "I'm fine." Sagot ko at hinalikan siya. Sinarado ko na yung pinto ng kotse niya. Agad na akong pumasok sa loob nang makaalis sila.
Nang kinuha ko ang susi para buksan ito ay napansin kong sira ang door knob ng pinto ko. Lumunok muna ako bago ako pumasok. Napakadilim ng loob ng bahay ko.
Nang buksan ko ang ilaw ng bahay ko ay nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa. "Ano ginaga-"
Napahinto ako sa pagsasalita ng hampasin niya ako ng kahoy sa ulo.
Katapusan ko na ba.
