Chapter 9

3 0 0
                                    

It' February, at bukas ay Valentine's day na. "Class, bukas ay magdala kayo ng sticky notes" sabi sa amin ng aming advicer. Lahat kami ay tutok sa susunod na sasabihin niya.

"We will having our confessing board, sa board na ito ninyo ididikit ang letter para sa love ones niyo, bawal ang pangalan, dapat ay code name" dagdag niya pa.

Nang matapos, inaya ako ni Nani na pumunta sa café upang kumain. "Wala akong sticky notes sa bahay, samahan mo akong bumili" sabi niya at sumubo. "Sige, bibili rin naman ako" sagot ko sa kanya.

Pumanik na kami room at wala pang estudyante. Maaga pa. "Saglit lang Alice, mah tumatawag lang" sabi ni Nani at lumabas siya. Ako lang ang tao sa room.

Lumapit ako sa board at kumuha ng chalk. Sinimulan ko mag calligraphy. Habang nagsusulat ako ay naisip ko kung magkaka ayos pa kami. Sana katulad pa rin kami ni Gio. Sana, hindi na lang siya nagalit. Ang hirap kasi.

"Bakit mo sinusulat ang pangalan ko?" Nanlaki ang mata ko nang may magsalita sa likod. "Huh, hindi ko naman sinusulat" sambit ko kay Gio na seryoso ang tingin. Saglit siyang tumingin sa board at bumalik ulit sa akin.

Tinignan ko ang sinulat ko at....at Gio nga ang nakalagay. "Ala, bakit 'yan ang sinulat ko?" Tanong ko. Gio na naka calligraphy, may shades pa at may design. Sa sobrang taranta ko ay ginamit ko nang pambura ang kamay ko.

Nakakahiya. Tinignan ko siya at nandon pa rin siya sa pwesto niya sa likod. "I swear, hindi ko sinadyang isulat 'yan" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo masusulat 'yan ng ganya ganyan lang, unless iniisip mo ako" nakangising sabi niya at lumapit sa akin. Kumalabog ang puso ko nang kunin niyang kanang kamay ko.

"Don't use your hand as an eraser" sabi niya. May kinuha siya sa kanya bulsa. Isang checkered na panyo at dahan dahan niyang pinunasan ang kamay mo.

"Sa susunod, 'wag kang magpapanic kapag nandito ako" nakatingin lang ako sa kanya. Please don't stop. Sana ganito na lang. Sana hindi na huminto ito.

"Are you done staring at me?" Bumalik ang diwa ko sa tanong niya. "I'm n-not s-staring at you" kinagat ko ang dila ko. Bakit ba ako nauutal.

Ngumisi siya. "Really, nagde-deny pa" anang niya at tinalikuran ako. Umupo na siya at ganun rin ang ginawa ko. Bakit ang tagal naman ni Nani. Tinignan ko ang relo ko at meron pang 50 minutes na natitira.

Yumuko na lang ako dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. "Si Sean ba ang boyfriend mo?" Tinignan ko si Gio dahil s tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pake mo ba?" Mahina ang tawa niya. "I'm just asking" nginiwian ko siya. Bakit parang ayokong tanggipin ang 'asking' bilang rason niya sa pagtanong tungkol sa boyfriend ko. Masakit, gusto kong tanungin niya dahil nagseselos siya. But damn it, too impossible.

Saglit ko pa siyang tinignan at bumalik sa pagkakayuko. Parang tinambol ang puso ko dahil sa  huling sinabi niya.

"You are fucking mine, Alice"

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now