Chapter 23

4 0 0
                                    

Nandito ako sa mall at kasama ko ang kambal. Inaya ko sila na magshopping dahil off ko naman ngayon. Hindi kasama si kuya. "Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanila. Napatingin ako sa magkaibang sure kayong na tinuro nila. Si Zia, sa isang playground, habang si Zoey, sa McDo.

"Gusto niyo kain muna tayo?" Tanong ko sa kanila. Si Zoey ang tumango pero si Zia ay nakatingin pa rin sa playground. "Zia, let's eat first before we play, so we have energy" ngumuso muna siya bago tumango. Sa Jollibee kami kumain.

Habang kumakain kami, nagsilabasan sila Jollibee. Nagsayawan sila at nagpapicture ang kambal sa kanila.

Natapos kami kumain, nagbayad ako sa isang playground para maenjoy ang kambal. Natapos ang isang oras na paglalaro. "Tita, I want ice cream" sabi ni Zoey. Nakaturo siya sa isang store ng ice cream. Pansin ko sa kanya, mahilig siya kumain.

"Dalawang small ice cream po" sabi ko sa babae. "Tita, I want strawberry" sabi ni Zia. "Vanilla" dagdag ni Zoey. Agad akong bumili ay binigay sa kanila.

Napatingin ako sa isang store ng painting at isang lalaki ang nakita ko. Nandoon siya. Gusto ko siyang lapitan, pero bumabalik yung sakit na ginawa niya sa akin. Gio.

"Tita, ano pong tinitignan niyo diyan?" Tanong sa akin ni Zia na punong puno ng ice cream sa bibig. "Wala lang" Kumuha ako ng wipes at pinunasan siya, ganun rin si Zoey. Binalik ko ang tingin ko kung nasan si Gio, nandoon pa rin siya at nakikipag usap.

Napagdesisyunan ko na umuwi na matapos kong bilhan ng laruan sila Zoey at Zia. Hinatid ko silang dalawa sa bahay nila. "Alice, dito ka na maghapunan" aya sa akin ni ate Rean. "Hindi na, kumain na kami sa mall" Sagot ko. Hinihimas niya ang buhok ng natutulog na kambal. "Asan nga pala si kuya?" Tanong ko sa kanya. "Nasa trabaho pa yun, mamaya pa yun uuwi" tumango ako.

Nagpaalam ako sa kanya at umuwi na. Hindi ko na hinintay si kuya. Nang makarating ako sa bahay, isang gray na kotse ang nasa tapat ng bahay ko.

Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo siya sa sofa habang masama ang titig sa akin. Tumayo siya at dahan dahan lumapit.

"Hoy babae, I waited so long tapos ganyan ang ibubungad mo sa akin" masama ko siyang tinignan para maisip niya na nagagalit ako sa kanya. Pero sa loob loob ko, nanghihina ako. Matagal na ang 10 taon pero bakit ganito pa rin ang dating niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito, umalis ka na dito" umalis ako sa harap niya at umakyat sa kwarto. Padabog kong sinara ang pinto para malaman niyang ayoko siyang nandito.

Mahal ko siya, oo... pero noon yun. Ngayon, wala na, hindi ko na siya mahal. Sinaktan niya ako. Pinili niya si Harah kesa sa akin. Natalo ako noon tapos babalik siya na parang walang nangyari. Hindi ba niya naiisip na masakit yung ginawa niya noon.

Napaupo ako dahil hindi ko tanggap na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Lalo na nandito siya. Ayoko siyang makita kasi bumabalik yung nakaraan ko. Binigay ko ang sarili ko sa kanya pero iwan rin pala niya ako. Hindi ba pwedeng ipaglaban niya ako noon sa mama niya.

Iniangat ko ang ulo ko at nagpunas ng luha. Pinaglaban man niya ako o hindi, nasaktan pa rin ako. Ibig sabihin, wala na talaga kami.

Bumaba ako at naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. "Umalis ka na"mahinahong sabi ko. "Mag usap muna—" pinigilan ko siya. "UMALIS KA NA, hindi na kita mahal" nag unahang magbagsakan ang mga luha ko. Peste, bakit ba sila kusang bumabagsak.

Sinarado ko ang pinto nang lumabas siya. Napaupo ako at napasandal. Alice, itatak mo ito sa kokote mo. Hindi mo na siya mahal dahil iniwan ka na niya noon. Huwag mo na siyang mahalin.

Nothing Forever(completed)Where stories live. Discover now