You promised the world and I fell for it
🌻Malaki ang pasasalamat ko sa naitulong ni Terence, whoever he is. Hindi ko napansin kanina na may panty pang kasama ang binigay niya. Sa totoo lang, tumaas lahat ng dugo ko nang makita ang isang pulang underwear na naka-ipit sa skirt. Nakakahiya talaga!
Nakita niyang may tagos ako. Tapos I fainted pa so he had to carry me here sa clinic. Then he bought me napkins, skirt and panty for significant purposes even though hindi niya ako kakilala. Tawang-tawa nga sina Zarena at Catalya nang makita rin nila. They were even teasing me!
I should really find and thank him, kung dito man siya nag-aaral.
Inayos ko ang sarili ko habnag nakatingin sa salamin. I washed a while ago and wore the stuffs that the guy gave me. Nakatulong rin ang pain reliever na pinainom sa akin ng nurse kanina.
Medyo umayos na ang pakiramdam ko at nakapagpahinga na rin ako ng tulog na kailangan ko. Perhaps, I regained some energy.
"O so ayos ka na ba?" bungad agad ni Za sa akin paglabas ko ng banyo. I nodded. "Yep"
"Someone is looking for you. Kanina pa siya text ng text at tawag ng tawag! Kanina pa tunog ng tunog ang phone mo pero unknown naman ang registered number!" Catalya said habang hawak ang phone ko.
Good thing I didn't put Axel's name on my contacts. Yes because I thought of the chances that he would call or text me and my friend would find out just because they would see his name is on the screen. Malamang magtataka sila. Kaya buti na lang talaga at naisipan kong huwag ilagay ang pangalan niya.
Nawala ang ngiti sa labi ko kasabay non ang biglang pag-ring ulit ng phone ko na hawak niya. "And now, he's calling again" she jested and showed me my phone that has Axel's name on the screen.
Napatitig ako sa kamay ni Cat nang ilahad niya sa harap ko ang phone ko. She was curling her brows when I looked up at her. "Well?" Nakataas kilay na tanong niya habang binibigay sa akin ang tingin na 'answer it'. "You know it's the only way to make whoever this person stop. Hallur! Maingay sa phone noh!" Maarteng sabi niya tsaka ko narinig ang mahinang tawa ni Za.
Inirapan ko lang si Cat tsaka kinuha ang phone. May practice ngayon ang Vikings kaya patay na naman ito sa coach nila. He should be busy practicing by now but then he's busy making calls. Kahit break time, dapat hindi siya pupunta dito. He should stay at the gym.
I didn't think twice and answered the phone.
"Hello" agaran kong bungad para malaman niya agad na ako ang kausap niya.
I heard him curse. "Asan ka ba? Putangina. Bakit di kita ma-kontak kanina?" Asar niyang tanong.
Nagpabuga ako ng malalim na hininga. "Sa clinic" maikling sagot ko at naupo sa kama. Kita ko ang pag-senyas ni Za sa akin na aalis siya kasi raw kailangan niyang maka-usap si Dean. I smiled and nodded.
Pansin kong natahimik ang linya. At paglipas ng ilang segundong wala siyang sinasabi, I heard shiftings. "Wait me there" tanging saad niya at napabuntong hininga ako nang tapusin niya ang tawag.
"You know what? You should probably find that guy. Bagay kayo, promise" natatawang sabi ni Cat.
Umiling ako sa suhestiyon at sa sinabi niya.
But then my thoughts drifted to Axel. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko bang papunta siya dito. I don't think so. I am not sure. Busy yun sa girlfriend niyang mayaman e.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)
RomanceR-18 (COMPLETED) Napakababaero niya. Palagi na lang akong nasasaktan. Palagi na lang niya akong pinapaiyak. Paano nga ba, e mahal ko siya? Would it hurt if I give him another chance? This story contains scenes not suitable for young readers. Read at...