Chapter 7: Ikaw

71.6K 2.1K 122
                                    


This dance, it was killing me softly
🌻

Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Kung puwede lang, isisiksik ko ang sarili ko sa ilalim ng lamesa namin ni Catalya. Pero hindi ako tanga para gawin iyon!

"I'm dead" mahinang bulong ko.

Muli kong tinignan si Terence. At saktong lumapit ang kasama niya. Tinapik niya sa balikat si Terence senyales na aalis na raw sila. Nag-alay ako ng malaking pasasalamat nang tumingin muli sa akin si Terence saka siya ngumiti at sumama sa kasama niya.

Pinanatili ko ang tingin ko sa kanya. I can see him walking straight to the door. But also, I can see Axel walking towards my direction with that scary look plastered on his face. He walked past Terence.

Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya. Pansin ko rin na ilan sa mga customer na nandito ngayon ay nakatingin sa kanya. And I don't have to count one-two-three just to find out why. It's because of his charisma and stance that screams danger.

I wish I cannot understand the way he looks at me. I wish I can just look away and pretend that I don't know him. I wish.. yeah, just a wish. Because at the end of the day, my wishes will all boil down to nothing.

"Patricia, yung crush mo o! Anjan! Bakit nandito siya? Tsaka bakit dito nakatingin... sa'yo?" Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Hindi ko rin maintindihan ang Monterelba na iyan, I swear!

Pilit kong hinagulgol ang word factory para makahanap ng salita. "H-hindi k-ko– ewan ko.." mahinang sambit ko nang tuluyang huminto si Axel sa harap namin.

"Axel" lutang na bati ko sa kanya habang ramdam ang naguguluhang tingin ni Catalya sa amin ng Viking na nakatayo sa harap ko.

I gulped before I introduced him to Catalya.

"Hey" tipid na bati ni Catalya na mukhang nalilito. Axel looked at her and responded with a nod.

Pagkatapos, tumingin siya sa akin.

"I'm hungry" parang batang sumbong niya. Umawang ang labi ko dahil doon. Pero agad naman prinoseso ng isip ko kung ano ang nangyayari ngayon. I can also hear whispers from other customers not far away from us. Rinig ko ang pangalan ni Axel at kung sino raw ako.

Shems naman! Ito na nga ba ang sinasabi ko e.

Nataranta naman ang kalamnan ko nang mapatingin siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Agad kong nakuha kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

No way.

"Huwag ka ditong umupo. Sa iba ka" pilit kong pinatatag ang boses ko. I glanced at Catalya who's looking at us with unbelief. Ilang nakadagdag sa gulat niya ay ang pagtanggi ko kay Axel at kung bakit kilala ako at kinakausap ako ni Axel.

Gosh mahaba habang pagpapaliwanag na naman ang gagawin ko mamaya, panigurado.

Napapikit ako ng mariin nang hilain ni Axel ang upuan na nasa tabi ko at naupo siya doon. He was grinning like a kid. Nakangiti na para bang pinagbigyan sa gusto.

Kita kong tumingin siya sa kinakain ko. And I almost want to kick his butt when I saw him smirk while looking at the figures of pikachu.

Tumingin ako kay Catalya. "I'm sorry. I'll explain everything after this" diretsong sabi ko at ngumiwi nang pandilatan niya ako. There's a look in her face which I don't ever want to see because I feel like madadali ako. Parang mangangain ng tao... ganung klaseng tingin.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon