but every touch is oh lalala
it's true lalala
🌻Zarena
Napangiti ako nang makita kung papaano yakapin ni Axel ang kaibigan ko. Kung noon ay nanatili si Axel sa baba at pinagbibigyan ang mga tagahanga niya na makipag-picture sa kanya, ngayon ay hindi na. Kusa siyang naglakad paakyat dito sa bleachers para lapitan si Patricia.
I even saw a girl a while ago who tried touching Axel but he moved away.
"You are sweating a lot, Axel Ivram. Tapos kung makayakap ka, wagas" rinig kong saad ni Patricia na kumawala sa yakap ni Axel. But he didn't let her out of his touch because he settled his hand around her waist.
Ngumisi lang ang basketbolista. At lalong lumawak ang ngisi niya nang punasan ni Patricia ang pawis niya gamit ang panyong dala niya. "Sorry, hindi ko mapigilan" He didn't look sorry at all.
Axel looked so drown in his love for Patricia while looking intently at her.
Nawala lamang ang atensyon ko sa kanila nang maramdaman ko ang pagkabig ng matitigas na kamay sa baywang ko at ang pagbangga ng katawan ko sa matitipunong dibdib ng Kapitan nila. He was frowning.
Pero mabilis niya akong ninakawan ng halik sa labi. "Wag mong tignan ang Monterelba na yan. Ako ang mahal mo, hindi siya" malamig niyang sabi habang pinagpapawisan ng husto.
Umiling lamang ako at hinalikan siya sa pisngi. "Ikaw lang naman. I'm just happy for Patricia" bulong ko sa kanya bago ko binigay ang tumblr ko sa kanya para uminom siya ng tubig.
He accepted it and I moved to wipe his sweat. He smirked while looking at me. Hindi pa siya nakuntento at kumindat.
Patricia
"Kung hindi lang sana ako naging gago, edi sana noon ko pa naramdaman ang ganitong saya. Sana noon pa kita niligawan. Sana hindi na kita nasaktan. Putangina, dapat noon pa ako tumino"
Huminto ako sa pagpunas sa pawis ni Axel dahil sa narinig kong ibinulong niya. Out of the blue, those words came out of his mouth. Words that sent havoc to my body. Words that meant so much meaning I could not decode easily.
I tried to not mind it. "May dala ka bang extra shirt? Magpalit ka muna bago ka pa matuyuan ng pawis. Makakasama iyon sa kalusugan" I told him.
I can feel eyes on us I dare not give attention at.
"Amanda is here, pikachu ko. Bumalik siya dito para mag-aral" pagtatapat niya sa akin habang pinupunasan ko ang mga pawis niya. I tilted his head to the side to wipe the sweat that's dripping on his neck. Nagpatianod siya.
I know. I saw her. She was that girl who tried talking to him down at the court. Siya yung humarang kay Axel kanina. Pinanood ko pa kung papaano niya sinubukang hawakan si Axel. I was expecting Axel to talk to her and to stay at the court because Amanda is there... but he didn't. Kaya laking gulat ko kanina nang lampasan niya lamang ito at naglakad pataas dito sa puwesto namin nila Za.
That wasn't Axel. Kasi ang alam kong Axel, mahina pagdating kay Amanda. He loves her.
Hindi ko siya mahal. She's my ex and it will stay that way. I have you and you are more than enough...
Natigilan ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Axel noon.
Hindi ko siya mahal...
Hindi ko siya mahal...
I breathed. Hindi mo nga ba talaga siya mahal, Axel?
BINABASA MO ANG
The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)
RomanceR-18 (COMPLETED) Napakababaero niya. Palagi na lang akong nasasaktan. Palagi na lang niya akong pinapaiyak. Paano nga ba, e mahal ko siya? Would it hurt if I give him another chance? This story contains scenes not suitable for young readers. Read at...