Chapter 25: almost there

65.4K 1.6K 78
                                    



.
.
.
.

This chapter is dedicated to @kimtaeiana. Hi love❤️

minsan oo, minsan hindi
🌻

Axel

I keep on gritting my teeth. Mainit ang ulo ko, kanina pa. Magmula nung tawagan ng Serano na yun ang babaeng kasama ko ngayon.

"Axel Ivram please listen to me. Magpapahatid lang ako kay T. Hatid lang. Hindi naman na kailangan na ikaw" rinig ko pakikiusap ni Patricia sa akin.

T, huh? So she fuckin has a nickname for him.

"Decline his courtship Patricia. Wag mo siyang paasahin. Wag mo siyang bigyan ng pagkakataon. Kasi kahit ligawan ka niya, hindi ako papayag na makuha ka niya sa akin. Wala siyang maaagaw. Subukan man niya, hinding hindi kita pakakawalan" I told her.


Patricia

Napahilot ako sa sentido ko sa sinabi niya. "We are not doing this now, Axel. Nasa labas na ng gate si Terence. Kaya kung puwede lang sana, manatili ka muna kasama ang mga teammates mo para–"

"Damn that victory party! Ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw ang gusto kong samahan. At ikaw ang gusto kong bantayan"

"Hindi mo ako kailangang bantayan!" Di ko napigilang maibulalas habang higit higit pa rin niya ako.

Umigting ang panga niya na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Talaga ba? Because I don't think I can trust that Terence. He is a man, Patricia. Ang lalake ay lalake lalo pa at gusto ka niya. Manliligaw rin siya at ayokong mapalapit ang loob mo sa kanya. I've never been scared of something Patricia. Pero pagdating sa'yo mahina ako. You turned out to me my weakness" napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bahagya akong huminto at ganun rin siya. Kung ganoon katahimik ang paligid ay kabaliktaran ang nararamdaman ko. Parang may gumagawa ng gulo sa dibdib ko.

Sinalo niya ang bawat tingin ko.

At nakikita ko. Nakikita ko ang takot na nakaukit sa mga mata niya. "I am scared he would take you from me. Takot ako na baka magustuhan mo siya dahil ginago kita, Pat. Nasaktan kita" nagsusumamo ang boses niya. It felt as if his heart is the one talking to me now.

He gulped. "Kung tutuusin, wala akong karapatang pagbawalan ka na makasama siya. I am just a suitor.. your suitor. Pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na bakuran ka dahil putangina Patricia, nahulog na ako sa'yo. Gusto kitang ipagdamot. Ayokong may iba kang pinatutuunan ng pansin. Ayokong may kaagaw ako sa'yo. At lalong lalo nang ayokong mawala sa akin ang atensyon mo" dagdag niya na naging dahilan ng pag-iwas ko ng tingin.

nahulog na ako sa'yo...

Hinapit niya ako sa baywang at pinagdikit ang noo namin. "Maaring nabibigla kita pero ayokong itago 'tong nararamdaman ko para sa'yo, Pat. I am almost there, Pikachu. And I'm not gonna stop now" he said ardently. At ang bawat salitang iyon ay tumagos sa puso at isip ko. Hindi makapaniwalang tinanggap ko ang mga tingin niya.

Almost there...

Pakiramdam ko rin bigla animo natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. All I could do was stare at him and process what I just heard him tell me.


Terence

I parked the car in front of the main gate. Iginala ko ang paningin ko pero hindi ko makita si Patricia. Kaya naman, kinalas ko ang seatbelt at lumabas ako.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon