Chapter 31: dinner

60.2K 1.7K 78
                                    



now the day bleeds into nightfall
🌻

Patricia

Ang kulit ni Axel. Inirapan ko siya nang kindatan niya ako matapos isubo ang nasa kutsara na hawak ko. Ang gago  mukhang natutuwa pa na pinapasubuan. "Alam mo? Nagmumukha kang malaking bata. Kay laking tao pero nagpapasubo ka! What are you? Three?" Sikmat ko sa kanya at sumubo rin sa kinakain ko. Dalawang magkaibang meals ang inorder namin pero gusto rin ni Axel ang kinakain ko. Kaya sabay naming kinakain ang nasa pinggan ko. Kapag naubos na raw yung sa akin, saka namin isusunod ang sakanya. May tuliring talaga sa utak.

"You look like someone familiar to me when you roll your eyes" aniya habang ngumunguya. I filled the spoon with rice and viand. "Pamilyar, talaga? At sino naman aber?" Tanong ko sa kanya at napainom sa coke.

He looked at me and smiled. "My pregnant wife"

Tumigil ako sa pagnguya at sinamaan siya ng tingin. This time, his smile turned to a smirk. Sumandal pa siya sa inuupuan niya para matitigan ako ng husto. "Tingin mo nakakatuwa iyan, Axel ha?" Untag ko sa kanya.

He shook his head. "you're hot-headed. Totoo naman. Doon din naman punta natin!" kibit balikat niya at ngumuya na tila ba ang laki ng kumpyansa niya na totoo nga. Napailing na lang ako.

"Ikaw naman kasi, pinapatagal mo pa. Ayaw mo pa akong sagutin ng oo para tayo na at sumuko na rin ang kupal na Serano na iyon" prente siyang uminom sa iniinuman kong soda kaya pinandilatan ko siya.

"Bakit ka ba nagmamadali? Ediba sabi mo rin sa akin, kaya mong maghintay kahit gaano pa katagal? Why don't you prove that huh?" Balik tanong ko sa kanya.

He scowled. Humaba ang nguso niya nang taasan ko siya ng kilay at parang batang nag-iwas ng tingin. "Kinakabahan ako kasi baka mahulog ka sa gwardya mo. Ilang beses na kitang nasaktan, hindi malabong mas gugustuhin mo siya kaysa sa akin" saad niya.

Natigilan ako sa narinig. I looked at him. Napatingin siya sa akin at nahuli ang pagtitig ko sa kanya. He accepted my stares which I took as a chance to figure out what he's thinking. Yung paraan ng pagtingin niya sa akin ay seryoso ngunit may halong kaba at pag-aalangan.

Minsan, tinatago sa akin ni Axel ang emosyon niya noong hindi pa siya nagtapat sa akin na gusto niya ako. Pero ngayong nanliligaw siya, lagi niyang pinapakita sa akin ang tunay niyang nararamdaman. All his emotions and even his feelings, he makes me see it. And definitely makes me feel it.

Bumuntong hininga ako at itinapat sa bibig niya ang kutsara. Sumubo naman siya sa akin at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kanya na siya lang ang tinitibok ng puso ko. Gusto ko siyang sagutin. But it's as if my tongue backed out.

I an in love with this Viking and I cannot deny that nor can I refuse it. He owns my heart despite of being wounded and hurt. He has my heart even though it bled for him. At hindi ko maitatanggi iyon.

Nasaktan ako, oo. Pero kapag nagmahal ka, malaki ang posibilidad na mas malaki ang pagpapatawad mo sa taong mahal mo kapag nasaktan ka niya kaysa sa sakit na naidulot niya sa iyo. Because I believe in the truth that love is greater than sin. Maaaring nasugatan niya ako, pero ang puso ay natututong magpatawad.

However, at the end of the day, the heart knows when to stop. Alam rin niya ang limitasyon. Kung tama na, tama na.

"You got silent. Pakiramdam ko tuloy, nagugustuhan mo na nga ang guwardya sibil na iyon" napatitig ako kay Axel dahil sa sinabi niya. Nakasimangot siya ngayon at sumisimsim sa iniinom ko.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon