Chapter 12: angatin mo

77.2K 2K 390
                                    


.
.

Lapit ng lapit, ako'y lalapit. Layo ng layo, ba't ka lumalayo?
🌻

Patricia

Pagpasok namin ni Terence sa loob ng room ni Daddy, naaninag ko siyang nakaupo habang kausap si Mommy.

"Dad?" Mahinang tawag ko nang makalapit ako sa kanila.

He glanced at me. Pero yung paraan ng tingin niya, para bang hindi niya ako kilala. "Sino ka?" He asked.

I rolled my eyes at him. "Sakit sa puso ang meron ka, Dad. Hindi ka nabagok at nagka-amnesia! Huwag ako ang lokohin mo" pagsusungit ko kay Daddy tsaka siya nilapitan nang tumawa siya.

My brows met.

"Stop frowning young lady, masyado ka nang pumapangit. You don't look like a princess anymore" kita mo 'tong tatay ko, may gana pang mang-inis e naisugod na nga dito sa ospital!

Naupo ako sa kama niya, katabi niya. "Kailangan na ata nating ipa-check up yang mga mata mo, Dad. Mukhang may depek na e! O baka gusto mong patanggal na lang natin? I think it will be better"

Kita ko ang amused na muka ni mommy habang pinapanood kaming magbangayan ni papa.

Kinamusta namin ang pakiramdam ni Dad. He told us he is fine and that we don't have to worry. But I won't settle with that. I know he got the best doctors pero hindi ganun kadaling kumalma at ipagkatiwala na lang lahat sa mga doktor. He's my dad and it's impossible to not worry when his heart is delicate.

"Young man" I turned my head to my father when he said those words while looking at the man standing at the corner.

Shems, I forgot about Terence.

"Good evening tito" pormal na sagot ni Terence. His aura looks approchable but at the same time, guarded and dangerous. Terence looks manly also. Para siyang nagwo-work out everyday idagdag pa ang gwapong mukha niya. Alam ko agad na maraming babae ang nawiwili at nagkakandarapa na makuha ang atensyon niya. Mukhang hearthrob e.

Tito? So close sila?

My dad smiled and looked at me. Kaya naman tumaas ang isang kilay ko. Anong ibig sabihin non?

Naupo si Dad ng maayos na tila ba isang negosyante ang kausap niya. "Have you told my daughter about the deal, Terence?"

Gusto kong mapairap sa narinig na sinbi ni Dad pero pinigilan ko at hinintay si Terence na sumagot sa kadahilanang siya naman ang kinakausap ng ama ko, hindi ako. Kaya 'di na muna ako sasabat. "Opo tito. I considered it done as soon as possible since you informed me that she's a bit sassy and..." saglit na tumingin sa akin ang tinatawag nilang bodyguard ko, "skeptical" pagtatapos niya.

Inglishero din pala ang gwardiya ko, susyal!


And me? Skeptical? Sino ba ang hinde? Within this day, he helped me get through menstrual disturbances and made known himself as my bodyguard! Who wouldn't get questions bubbling up in their minds in this situation?!

Kita ko pa rin ang kakaibang ngiti ni Dad pero binalewala ko ulit dahil baka ako lang yung nanghihinala kahit wala namang dapat paghinalaan. Ganito talaga minsan ang mga tao, mag-iisip ng kakaiba kahit wala namang mali. Di natin maiwas-iwasan iyon kasi tao tayo. There's nothing wrong with that unless it runs over the border.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon