Chapter 21: chance

72.1K 1.8K 193
                                    



kung ako na lang sana ang iyong minahal
di ka na muling luluha pa
🌻

Patricia

"Uy Patricia! Kayo na ba ni Axel?"

"Sino yung lalaking naghintay sa'yo sa labas? Diba engineering student iyon?"

"How did you get close with Axel, Patricia? Hawak pa niya ang kamay mo ng dumating kayo"

"Alam mo bagay kayo ni Axel. I didn't know that you are in a relationship with him. You are so pretty. Tapos ang gwapo ni Axel! Kainggit ka naman!"

"The other guy was handsome too noh! Crush ko rin siya!" She even giggled na parang kinikilig.

"I really can't believe na magkasama kayo ni Axel!"

Puro na lang si Axel at Terence ang bukambibig nila. They keep on asking. Ako nga, ni wala akong sagot para sa sarili ko kahit ang dami-daming tanong na tumatakbo sa isip ko.

Unanswered questions filled my head.

At dumadagdag pa ang mga katanungan ng mga kaklase kong umiintriga sa nasaksihan nila kanina. It was like a big fire that spread so fast.

Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari, idagdag pa na hindi pa tapos ang period ko.

Kahit isa sa kanila ay wala kaong sinagot. Nagbabakasakali akong iwan nila ako. They were asking and complementing but in their eyes are pure hatred, jealousy and wrath. I know a fake when I see one.

Nagpatuloy sila sa pangungulit.

"Are you kidding me?" Lahat natahimik at napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. And there, I saw Catalya with sharp eyes glaring at the girls that are sticking to me.

"Kung gusto niyong magtanong, si Axel ang tanungin niyo! And isn't it shameful to meddle with someone's business? Ano? Hindi ba mapapakali yang mga paksyet na puki niyo kung wala kayong makukuhang sagot mula kay Patricia?! Kung gusto niyo ng issue at tsismis, maghanap kayo ng manyak at magpakantot kayo! Yun ang gawan niyo ng issue huwag yung buhay ng iba!" Galit niyang usal.

Nakitaan ko ng takot nag mga mata ng mga babaenglumapit sa akin. They even murmured something before they left me one by one.

"Mga pesteng tsismosa!" Gigil na bulyaw ni Catalya nang makaalis sila at naupo malapit sa akin.

She glared at me.

I sighed. "Are you okay?" Natahimik ako sa tanong niya. I was expecting her to scold me but she settled in asking me if I am fine or not.

Umiling ako. Lung magsiisnungaling din lang ako, malalaman at malalaman niya. She isn't my bestfriend since childhood for nothing. "I am not. Axel said he's going to court me in front of the damn students. Then my bodyguard, Terence..." bumuntong hininga ako. Hindi ko maituloy. It's been bugging me a while ago.

Kung hindi ko pa pinilit si Terence na umalis ay baka mas lumala ang bangayan nila. Axel was too hard to plead.

"Bakit kailangang mangyari ang mga bagay na ito ngayon, Cat?" Komplikado na nga, naging mas komplikado pa.

Kita kong maski siya ay natigilan sa naging tanong ko. It was as if she was reflecting to herself the same question. "Hindi ko rin alam" halos hindi ko na marinig ang pagbulong niya sa mga katagang iyan.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon