Chapter 23: in love

69.4K 1.9K 312
                                    


oh my heart hurts so good, I love you babe
so bad
🌻

Patricia

"Hintayin mong makatapos ka saka mo mapakasalan" nahihiyang napayuko ako sa naging sagot ni Coach. Minasahe ulit ang sentido niya na para bang hindi niya alam ang gagawin sa makulit na kumag na katabi ko. "Sumunod ka na Axel. The team needs you there if you're alright now" Saad niya na tila ba nailang at umiiwas dahil sa pagkaprangka ni Axel.

When he left. I shut my eyes because my heart is beating so damn fast. I can't control it, neither can I stop it. May sarili itong isip na tumitibok ng sobrang lakas.

"Open your eyes my beautiful pikachu" rinig na rinig ko ang mahinang pagbulong ni Axel sa mga katagang iyon. He held my chin.

"Mahiya ka kay Coach Stanford please" sabi ko habang nakapikit. Parang lalabas na ang organ na nakatago sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtambol nito pero pinipilit ko lang ang sarili kong kumalma.

Sira na ata ang utak ni Axel.

Pero binabaliw niya ang buong sistema ko sa kabaliwan niya.

"Malayo na siya kaya buksan mo yang mga mata mo para matignan ko" he said in a very light tone. At dahil sa tono niya, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

I found Axel smiling while staring straightly at my eyes. "Nakakahiya yung ginawa mo! Gusto mo bang kutusan kita?" Tanong ko sa kanya. I'm trying to release the havoc inside my chest but it's still not working.

Lalo na kung ganito kalapit si Axel. He's leaving no space between us. Para siyang lintang nakadikit sa akin. Ngunit gwapong linta naman, ayaw kumawala. 

"Papayagan kita syempre! Ikaw lang naman ang hinahayaan kong manakit sa akin ng pisikal" wika niya at pumorma ang gatla sa noo ko nang makitang sumilay ang malokong ngisi sa labi niya. "Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin. Malaya kang galawin ang katawan ko. Kung gusto mo akong halikan ngayon mismo, hindi kita pipigilan. Kung gusto mong patungan ako at umulos– fuck!" Tinampal ko ng malakas ang bibig niya.

"Magtigil ka riyan, Axel. Huwag mo akong umpisahan jan sa kabalastugan ng bibig mo kundi tatahiin ko iyan" I told him. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko pero hindi ko ito hinayaang lukobin ang sistema ko. Ang bastos kasi ng bibig!

He laughed and kissed me on the side of me head. "Titigil na po" he whispered. "Now go seat at your spot and watch me score for you. Kapag natapos ang laro, huwag kang aalis doon kasi ako mismo ang pupunta sa'yo. Wait for me there, alright?" Kalmado na ang boses niya. Hindi na iyung galit at malamig na tono na naririnig ko sa mga nakalipas na araw.

Tumango ako. "Okay"

Muling sumilay ang masayang ngiti sa labi niya. At kumurap ako nang muli niya akong nakawan ng halik sa pisngi. "Lucky charm" he winked before heading towards the court leaving me gaping at him.

Amanda

Napaawang ang labi ko.

I couldn't believe what I just saw.

I witnessed a scene I never imagined that would happen.

Sapat na ang nakita ko para mapagtanto na tama ang mga kumakalat na tsismis tungkol kay Axel.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon