Chapter 11: Need

74.6K 1.8K 227
                                    

~

Kung di rin tayo sa huli
🌻

Patricia

Nakapalumbaba akong nakaupo sa labas ng kuwarto ni Papa. I want it here, I just don't know why.

"You look tired" I turned my head to the right when I heard that voice.

Tipid akong ngumiti. "So when did you start being my bodyguard, Mr. Terence Serano?" Humalukipkip ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Kanina lang binaggit ni mommy sa akin ang tungkol sa kanya nung nagtanong ako. Ang sabi niya, kinuha raw siya ni Daddy para may magbantay sa akin.

Napairap na lang ako sa balak ni Dad. Kasi naman, ang higpit na kaya ng security sa paaralan at sa dorm ng Weston University! Hindi na kailangan pang may bodyguard ako! And of all na kukunin niya, yung nag-aaral rin sa paaralang pinag-aaralan ko?! Of course he just had to do that!

He sat beside me. "Just yesterday" he told me.

Napapikit ako. "The situation yesterday... did you happen to just pass by? Or binalak mo talagang pumunta sa classroom ko?" Takhang tanong ko. Nilabas ko ang phone ko na nagsimulang mag-ring sa bag ko.

Hindi siya sumagot kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. He looked away. "Bodyguard kita diba?" Masungit kong sabi. "Answer me" dagdag ko pa dahil gusto ko talagang malaman.

"Pumayag kang makipagkita sa akin pagkatapos ng klase pero wala ka naman. I waited outside your room. You weren't there" pag-iiba niya ng usapan kaya ngumiwi ako. Ano to, iba ang tanong ko pero naiiba rin ang sagot?

At parang kinonsensya pa ako!

"Something came up. Tas why did you payag ba sa sinabi ni Daddy? Sabi ni Ma, mayaman ka. So why become my bodyguard?" Tanong ko sa kanya.

Nagpatuloy sa pag-riring ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, I quickly cancelled the call when Axel's number popped up.

Nakita kong napatingin siya sa hawak kong phone. After that, he looked at me directly in the eyes. "Your dad is good friends with my father. So when he asked me about you, to guard you while we're staying in the same school, I accepted it. It's not that hard. Mas okay na kesa sa wala akong ginagawa kapag boring na" kibit balikat niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So ano ako? Pampalipas oras?" Parang walang sense na saad ko tsaka ko siya narinig na tumawa ng marahan. Ang gwapo ng tawa shet! Pareho sila ni Axel. Ang sarap sa tenga na pakinggan ang tawa nila.

And why the heck am I even comparing them? Magkaiba sila. Hindi sila magkatulad!

"Tinanggap mo kahit hindi mo naman ako kilala" mahinang bulong ko.

Napatitig ako sa kanya nang isandal niya rin ang ulo niya sa pader tulad ng posisyon ko at binalingan ako. "I saw your portrait when my father and I visited your house. You looked fierce but innocent. Nagustuhan kita. Kaya sumangayon ako kahit pa hindi gaanong seryoso ang papa mo" may munting ngisi sa labi niya matapos niyang bitawan ang rebelasyon na iyon sa akin.

And his eyes never even dared to look away from mine. Yung klase ng titig niya ay yung tipong tila may gusto siyang iparating. I just can't understand what it is.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon