not proofread. peace
But enjoy
❤️If you feel you're sinking, I would jump right over
🌻
Bangag ata ako habang nakikinig sa prof. Kasi pagkatapos kong iwan si Axel sa clinic, talagang tumakbo ako para hindi niya ako mahabol kung lumabas man siya. I just left the bag of napkins to him.
"Bahala na siya" mahinang bulong ko.
I didn't check my phone for notifications. I intend to focus on our subject right now but I don't think it is happening. Kasi ang tumatakbo sa isip ko ay si Axel. Si Axel na may jowa. Si Axel na may maraming babae sa nakaraan niya hanggang ngayon. Si Axel na babaero. Si Axel na binabalewala ako tuwing kasama niya ang kahit sinong babae niya. Si Axel na nananaksak ng damdamin. Si Axel na kahit binabalewala ako... mahal ko pa din.
If only I can unlove a person, I would do so. But love is never easy nor can be denied. It is something so rare and precious which is worth fighting for, I believe.
Bilib nga ako sa puso kong 'to. Kahit nasasaktan na, lumalaban pa din.
Kelan mo balak tumigil, puso ko?
Napapikit ako at isinandal ko ang ulo ko sa upuan. Masakit na nga ang puson ko, dumagdag pa si Axel sa sakit na 'yon, sumasakit tuloy utak ko sa kaiisip sa amin! This is definitely bad.
I tried removing him from my mind pero naalala ko lang yung dinner nila ni Gly. Tapos bumalik rin sa isip ko yung dinner na sinabi ni Gly at ang pagtulog ni Axel sa bahay nila kapag umalis ang mga magulang niya. Sabado bukas at paniguradong tama ang iniisip ko. I remember the day she said. Isinaulo ko talaga.
Mapakla akong natawa sa napagtanto ko. At talagang pupunta si Axel. Nga naman si loverboy, umiiskor!
"Patricia, ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Za habang nakatingin sa akin.
"Tinatamad ako" I lied.
Kita kong napalabi siya. "You should have rested more at the clinic" halatang halatang maalaga talaga si Za. Ngumiti ako. "Keri lang. Alam mo naman ang buhay ng isang law student, mahirap pag na-miss ang isang subject. Madami ka agad kailangang habulin na lessons" kibit balikat ko.
"Sarap mong batukang babae ka" savage bish. May sinabi ba ako sa kanya? Wala naman diba?
Sinamaan ko ng tingin ang babaeng katabi ni Za. "Hindi kita kinakausap, pusang gala" banat ko pabalik at ngumisi nang malukot ang mukha niya.
She just rolled her eyes at me.
It didn't take that long nang matapos ang morning subjects namin. Akala ko tila ba babagal ang oras at mababagot ako pero buti na lang hindi.
"Sabay na tayong kumain guys. Saan ba tayo?" Umpisa ni Cat habang nagkanya-kanya kaming ayos ng mga gamit namin. I stuffed my things inside my bag. After that, I hung it on my shoulder.
"Sa usual na lang. Gusto ko ng milktea tapos yellow fruit tart" I grinned devilishly. "Don tayo sa may pikachu design na resto" prenteng saad ko.
Catalya looked at me weirdly but still nodded. Si Zarena namna um-oo din bilang tugon. "Sige ba" she said.
Pinilit kong pinigilan ang pagningning ng mga mata ko. Eto rin ang isang hindi alam nila Za at Catalya sa akin. I have this weird relationship with Pikachu designs. I find it cute kase.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)
RomanceR-18 (COMPLETED) Napakababaero niya. Palagi na lang akong nasasaktan. Palagi na lang niya akong pinapaiyak. Paano nga ba, e mahal ko siya? Would it hurt if I give him another chance? This story contains scenes not suitable for young readers. Read at...