Chapter 26: bakit

60.2K 1.7K 133
                                    




Ilang oras pa ba bago ang new year? Advance 2020 to you guys!

.
.


I'm jealous of the way you're happy without me
🌻

Patricia

Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Axel. It was to avoid any war that might have occured.

Ayokong gawin iyon kay Terence pero wala akong magagawa kung ganito kapilit si Axel. He doesn't listen. Hindi siya patas makipagkarera sa mundong kinagagalawan niya. Ginagawa niya lang kung ano ang gusto niya.

"Kausapin mo naman ako Pat" I heard him say.

Nagmamaneho siya. Sa likod namin ay ang kotse ni Terence na nakasunod. Gusto kong burahin sa isip ko ang reaksyong nakita ko kay Terence nang sabihin kong kay Axel na lamang ako sasakay. Pero tumatak iyon sa isip ko. His face lost expression same as his eyes. I only gave him a knowing look that he just responded with a cold, slight nod.

"Galit ka ba?"

Para siyang batang mukhang kinakabahan. I exhaled.

Naiinis ako sa kanya ngayon. Halata man o hindi, hindi ko kayang itago iyon. "Ano ang gusto mong sabihin ko?" Mahinahon kong untag sa kanya.

Lumubog na ang araw. Kung gaano kadilim ang langit ngayon ay ganon kadilim ang mga mata nila Axel at Terence kanina. Mukhang handang handa pa silang maging action star at sumabak sa bakbakan. Nakakasakit ng puson at ulo!

Rinig kong mahina siyang nagmura. "Huwag ka nang magalit. Ayokong nagagalit ka o naiinis ka sa akin. But I'm not going to say sorry for what I did. Kasi kung mangyayari ulit 'to, isasama pa rin kita sa akin" he said truthfully.

I kept silent.

This is what I'm talking about. He is just saying sorry because he made me annoyed and mad. He is not sorry for what he did.

He sighed.

"Patricia..."

"Eyes on the road, Axel" malamig na sabi ko sa kanya dahil alam kong saakin niya tinutuon ang tingin niya at hindi sa daan. Baka dahil pa don, mabangga kami.

He breathed sharply. "fuck" i heard him whisper.

We are already late. I know my parets are already waiting. Tapos nandoon pa pala ang pinsan kong si Trixie. What is she even doing here? Wala ba siyang pasok doon sa Paris? Because as far as I know, their school days aren't over yet.


Amanda

Hindi alak ang solusyon sa kahit anong sakit. But I need it. Kasi kung hindi ako iinom, hindi ko kakayanin ang sakit. Hindi pa nga ako nag-uumpisa sa pagkuha kay Axel pabalik, meron na agad akong kapalit sa buhay niya.

Bakit ganon?

Bakit kailangang may bago pa?

Bakit hindi puwedeng ako na lang? Ako na lang ulit.

Ngayon ko lang na-realize ang nakita ko kanina sa gym.

Itanggi ko man o hindi, walang makakapagbago sa kung papaano niya tignan ang babaeng iyon. Malayuan man o malapitan, yung paraan ng pagtitig niya sa kanya ay hindi mahahanap sa mundong ito dahil puno iyon ng pagmamahal. Pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko nakita sa mga mata niya nang kami pa.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon