Chapter 34: Patricia

56.3K 1.7K 229
                                    



❣️

Keep bleeding
I keep, keep bleeding in love
You cut me open that night
🌻

Terence

I'm looking at her but she's just staring blankly at the floor. Mukhang marami siyang iniisip. Nag-iwas ako ng tingin. Yeah, she's thinking a lot but a thought of me never crossed her mind. Sa lahat ng iniisip niya, hindi ako kabilang doon. Puro na lang ang Monterelba na iyon.

Damn. Ang tigas ng puso ko. Alam ko na ngang wala akong pag-asa, tinutuloy ko pa din.

"Terence malapit na ba tayo?" Inosententeng taong niya.

I smiled. "Malapit naman tayo. Gusto mo bang mas malapit pa?" I joked and she scrunched her nose at me. Lintik bumabanat pa ako kahit masakit na sa puso. But this girl casted a spell on me which I cannot get away from. I am falling. And within the days I was with her in states, I fell in love with her harder than I can imagine. Pero nirerespeto ko pa din ang desisyon niya.

I know she wanted to tell me to stop courting her. She tried. Not just once but several times. But I keep on chnaging the subject. Lagi akong umiiwas para hindi niya masabi ng diretso. Coward, huh?

Then so be it. Ayokong bastedin niya. Hindi pa naman niya sinasagot si Axel. May 0.1 porsyento pa akong pag-asa. Pagkakasyahin ko ang sobrang liit na pag-asang iyan.

"Ilang oras pa ba, T?" I know what she's pertaining to. Sa mga nakaraang araw, palagi niyang tinutuon ang atensyon niya sa Daddy niya. Pinagsasabay niya ang pag-aaral para hindi siya masyadong mahirapan sa pagsabay sa mga aralin nila sa University kapag bumalik na kami. Naki-usap narin si Tita sa head ng university. And they gave Patricia and I a consideration.

"1 hour and we'll land at his hotel's rooftop" imporma ko sa kanya at nag-iwas ng tingin para maitago ang inggit sa mga mata ko. I'm jealous of the reason that when we'll land, she'll go straight at Axel's pad. Nagseselos ako dahil siya lagi ang inuuna niya. Fuck.


Patricia

Gaya nga ng sabi ni Terence, nakarating kaagad kami sa Pinas pagkaraan ng isang oras.

Ngumiti ako ng malapad nang unang tumayo si T sa jet para lalayan akong makababa. "Thank you" he just smiled.

Nang tuluyan akong makababa, tumingin sa akin si Terence. "Go, Patricia. Umalis ka na bago pa kita pigilan" sabi niya ngunit ibinulong ang huling linya kaya di ko masyadong narinig.

"Ano?"

Namulsa siya. "I said, go. Just don't be late tomorrow. Maaga kang pumasok sa University"

Mahina akong natawa. He's acting as a bodyguard again. "Opo" wika ko saka siya nilapitan. I hugged him and mumbled a gratitude before moving back and walking towards the exit.

Hindi nagtagal ay sumakay ako sa lift. I pushed Axel's floor. Malaki ang kasalanan ko sa kanya kasi hindi ko siya nireplayan sa kahit anong text at chat niya. I never answered his calls too. I got too busy to do so. Pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagbabantay sa lagay ni Daddy at nawalan ako ng oras sa kanya. Hindi lang sa kanya kundi pati rin sa mga kaibigan ko.

Pero nandito naman na ako. I just hope Axel forgives me.

Huminga ako ng malalim nang makatapat ko ang kuwarto ni Axel. Oo, alam ko kung ano ang passcode niya. Ako lang ang nakakaalam, yun ang sabi ni Axel. Hindi alam ng ibang Vikings. Kung papasok man ang mga iyon ay kailangang kunin nila ang keycard mula sa boss at magpaalam.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon