Chapter 28: mine now

67.4K 1.6K 85
                                    



should i give up? Or should I just keep chasing pavements?
even if it leads nowhere
🌻

Patricia

Hinilot ko ang sentido ko pagkatapos kong asikasuhin ang last report na pinapagawa ni Sir Jero.

"Sht. Pakiremind nga ako Cat kung bakit ako nag-law?"

Tinaasan ako ni Catalya nang balingan ko siya. "Panindigan mo iyan. Ginusto mong maging abogada dahil madaldal ka magmula nung pagkabata" saad niya.

Totoo iyon. Kasi noong bata ako, ang hirap pigilan ng bunganga ko. Pero minsan lang naman nagiging matulis ang tabas ng dila ko, hindi tulad ni Catalya na laging masungit.

Humikab ako. "Yan lang ba ang rason ko? Para akong baliw, eto tuloy! Puro puyat ginagawa ko. Kahit sa gabi, mga libro ang katabi kong matulog!" Yamot na reklamo ko at sumandal sa iuupuan ko. Kainis naman!

Zarena chuckled. "You can do nothing to change your course now. Top notch ka din e, no backing out" para bang nang-aasar pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Whatever. Pare-pareho naman tayong tatlo na nag-aaral ng mabuti para maayos ang haharaping kapalaran! Di bale nang magpuyat. Kasi fair enough!" I grinned and took a gummy bear from Catalya's snack. Matamis akong ngumiti nang tignan ako ni pusa ng masama. Nailing naman si Za at ngumiti.

"Saan tayo sa lunch?"

"Sa break-in-two na lang" suhestiyon ko sa tanong ni Za.

They looked at me, both confused and intrigued. "Napaghahalataan ka ng babae ka!" Paratang ni Catalya na ikinaawang ng bibig ko. "Pinagsasasabi mo?"

Pinandilatan niya ako. "Pikachu duh!" she said like it explains everything.

Mahina akong natawa. Akala ko pa naman kung ano na ang sasabihin niya. Yung pagkaaliw ko lang pala sa pikachu ang kasalanan ko. I chuckled. "It's not like you don't have your favorites as well" sumbat ko sa kanila tsaka muling kumuha sa gummy bears ni Catalya.

Amanda

I flipped my hair when I noticed a guy looking at my direction. Maganda ako kaya napapatitig siya.

Padabog kong binitawan ang phone ko sa inis dahil hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni Axel ang mga mensahe ko at mga tawag ko. "Nakakaasar na siya" bulong ko sa hangin.

I miss my baby. I miss the old Axel. Yung lalaking gagawin ang lahat para sa akin. Yung lalaking mahal ko at mahal ako.

Pero sinayang ko siya.

It's already break time at ang balak ko ngayon ay puntahan si Axel sa building nila. "Girls, I have to leave for a minute. May kailangan akong bisitahin" saad ko sa mga babaeng umaaligid sa akin. "Saan ka pupunta Amanda?"

I gave her a plastic smile. "Darling, you don't have to ask. It's something personal" pilit na tugon ko sa kanya before I picked up my bag and walked away from their stares.

Tinahak ko ang daan papunta sa kabilang building. Balita ko, walang practice ngayon ang Vikings so I am sure that Axel is at his classroom right now.

"Papunta na ako, baby ko" i muttered before taking the stairs up.


Seven

Ngumisi ako nang makitang naiinis si Brix. He's typing something on his phone. Kanina pa siya naaasar pero walang nagtatanong ni isa sa amin kasi minsan lang naman ganito maasar si Brix. And we don't know the reason why he's annoyed now.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon