Chapter 29: back

68.9K 1.7K 93
                                    





wish we could turn back time to the good old days
🌻


Patricia

It's been 2 months. Ang bilis, oo. At sa loob ng dalawang buwan na lumipas, walang ibang ginawa si Axel kundi ang suyuin ako at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Kapag may mga babaeng umaaligid sa kanya, umiiwas siya. Kung wala naman ako kapag nangyayari iyon, nagsusumbong siya sa akin sa tawag o kapag nagkita kami.

Unti-unti niyang pinupuna ang tiwalang nawala niya. Bawat araw na kapiling ko siya, binibigyan niya ako ng rason na pagkatiwalaan siya ulit. And he is giving me every reason to love him again. At masasabi kong hindi siya nabibigo.

Hindi ko pa nakakalimutan yung araw na hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Amanda. Binalak naming puntahan ang Vikings sa klasrum nila at iyon ang nadatnan ko. We were a little far from where Axel and Amanda were standing but I know I heard them right. Hindi nila kami pansin dahil medyo may kalayuan kami sa kanila. Ngunit rinig na rinig ko ang bawat salitang binitawan ni Axel kay Amanda.

Surprised. Shocked. Confused. Those words can possibly describe how I felt that moment. Kasi nagulat ako na kayang pagbantaan ni Axel si Amanda. Nagulat ako sa nakita kung gaano kalamig si Axel kay Amanda. Nagulat ako sa kung gaano siya kabagsik makipag-usap sa babaeng akala ko ay mahal niya. At ang mas nagpagulat sa akin ay ang narinig na sinabi niya na  I am in love with the woman you intend to destroy..

My reaction was priceless. Grabe rin ang pagtibok ng puso ko sa mga segundong iyon.

"Saan ko 'to ilalagay, pikachu?"

I looked at Axel who's sweating. Baliw rin ang lalaking ito, hindi na lang niya pinaayos sa mga staffs na kasama ng interior designer para natapos na!

"Bakit kailangang ako pa ang tanungin mo? Alam mo Axel, minsan tinotopak ka rin sa utak noh! Bakit di mo pa pinagawa sa designer mo itong pagdedesenyo sa apartment mo? Hindi ako designer kaya dapat nga hindi ako ang tinatanong mo" Inirapan ko siya at naupo sa sofa. Pagkatapos, sumubo ako sa fries.

"Ang sungit mo naman! Nagtatanong lang tong poging manliligaw mo, gumaganyan ka na! Porke alam mong mahal kita!" Binuntutan niya pa iyon ng nakakalokong ngisi.


Mahal...

Yes, and everyday, he never forgets to say how much he loves me.

Buong game nila, sa akin palaging tumitingin si Axel. Kahit pa kinakausap siya ng Kapitan nila, mukhang timang siyang nakatingin sa puwesto ko.

I gave him a warning look. Sinuklian niya iyon ng kindat at ngiti.

Napakatigas ng ulo!

Pagkatapos at pagkatapos ng laro nila, iniwasan niya ang mga taong gustong magpapikture sa kanya at kaagad niya akong nilapitan. He hugged me and whispered the words that shocked me. It was a deep 'I love you'. 

It wasn't grand nor was it done in specially. But it was the most sincere words I have ever heard him say. An unexpected but filled with truth. Three words, eight letters, but meant something beyond forever.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero itong puso ko, parang baliw na nagsasasayaw sa lakas ng kalabog. Lalo pa akong nagpigil ng paghinga nang makita ang pagsilaw ng isang ngiti sa labi niya. Iyon yung tipong ngiti na sa akin niya lang pinapakita. At laging tumatalab ang epekto nito sa organ na nakatago sa dibdib ko!

"Wag mo akong daanin sa ganyan, Axel" untag ko sa kanya tsaka muling sumubo sa kinakain kong fries. Hindi pa ako nakuntento roon dahil pakiramdam ko biglang nag-init ang pakiramdam ko. Tila ba tumaas ang dugo ko sa mukha. So I sipped at my tequila.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon