Chapter 2: Paninindigan

91.7K 2.1K 169
                                    


Thank you for the welcome back's, my loves❤️
I am happy.

Rose colored glass
🌻

Tahimik lamang ako habang naka-upo rito sa backseat.

"I missed you so much, babe. Palagi ka na lang busy! You have no time for me na, nakakapikon ka"

Kalma lang, Pat.

Does this girl want to get hurt? Eto nga akong sinusubukan kong managalog ng diretso kaso bigla na lang nakokonyo. Itong babaeng naka-upo sa harap nakakagigil. Kanina pa siya salita ng salita ng sinasadyang konyo, nakakairita na!

But because I'm not Catalya the sometimes big-mouthed person who can just tell her to shut up, I just closed my eyes and pretended not to hear any of those poop I'm hearing.

"I've been busy with the practice, Gly" Tipid na sagot ni Axel kaya nagmulat ako ng mga mata. From the mirror, I can see him smiling softly at her.

Namutawi ang kirot sa dibdib ko. If only I can ask him to stop smiling at other girls, I want to. But that would be so selfish for my part. Tsaka, wala rin naman akong karapatan. Kaibigan lang ako. Yun lang ang titulo ko sa buhay niya.

I didn't plan on going with them but the ugly player asked me seven times. Mahal ko kaya hindi ako nakatanggi. But it's a very bad decision since I ended up in this awkward situation. Nagmumukha akong third-party tuloy.

Ano nga bang bago? I'm always the third-party whenever he's with a woman.

"It's okay baby. Bawi ka na lang next time. Samahan mo ko sa bahay sa Saturday. Wala ang parents ko. We can have our time together" She's talking unfiltered, like I'm nobody. If my ears serves me right, there was seduction inserted into her voice.

At mukha ngang hindi ako nagkakamali sa naisip dahil ipinatong niya ang palad niya sa hita ni Axel.

I looked away.

At hinanda ko na ang sarili ko sa susunod na maririnig ko. I hid a bitter smile when I heard Axel mumble a short, "sure".

Simpleng pag-oo pero ang sakit sa puso. Yes because I know what they are going to do when they are both left in a place.

Axel doesn't even care that he pleaded for me to accompany them in this ride. And for what? So I can witness them flirt with each other?

Ang manhid nga naman ng lalaking 'to.

Nanatili akong tahimik hanggang sa maramdaman kong tila may nakatingin sa akin kaya tumingin ako sa salamin sa harap. And there, I found a pair of dark obs staring at my reflection. Nginitihan ko lamang siya.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa bintana. Lumalalim na ang dilim. Late kasing natapos yung game ng Vikings laban sa Torteros. Tapos medyo malayo ang bahay ng babaeng kasama ni Axel. Kung nagpaiwan ako at hindi ako um-oo kay Axel, siguradong nakashower na ako at nakahiga na ako sa kama ko sa dorm. Kaso wala e, iba ang trip ng ungas.

"You hungry?" Rinig ko ang malalim at baritonong boses ni Axel ngunit hindi ako tumingin sa gawi niya. Malabong ako ang tinatanong.

"Aww how thoughtful of you pero I'm not hungry, babe. I'm on diet because I feel like I got so taba na" patago akong ngumiwi sa narinig na sinabi ni Gly.

"I know. I am asking you, Patricia" That's when I looked at Axel abruptly. Ako ba tinatanong niya?

Nakatutok ang mga mata niya sa repleksyon ko, gayun din ako sa kanya. "Are you hungry?"

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon