Chapter 30: rare

56.3K 1.7K 51
                                    


Not proofread, pardon me. But still, I hope you enjoy. Salamat sa mga naghintay ng update
💛

why don't you recognize I'm so rare
🌻

Terence

I missed her. It's been two long months of stopping myself from booking a ticket back here in the Philippines. I'm grateful that I'm back now. Dapat isang buwan lang ako doon. But because of some complications on the business agreement between my family and the Irvinra Corporation, I had to extend my stay for another month and fix the problem.

Kahit dalawang buwan ko lang siyang hindi nakita, mas gumanda pa siya sa paningin ko. And she smells so damn good.

"Kailan ka pa nakabalik, T?" Maagap na tanong niya at mabilis humiwalay sa akin. I didn't feel happy when she moved away from me. Subalit nginitihan ko lang siya at hinawakan ang kamay niyang may sugat. "Just a while ago" kalmadong sabi ko at pasimpleng tinignan ang likod ng babaeng papalayo.

I saw what she did. And I don't feel good about it. Sinadya niyang gawin iyon. The needle was thin. Pero dahil malalim ang naging pagbaon nito sa daliri ni Patricia, dumugo iyon.

I clenched my jaw and looked at the woman infront of me.

Seven

Mabilis kong sinalo ang ipinasa sa akin ni Monterelba na bola. I dribbled it and threw it at the ring. Sapul ito sa loob kaya ngumisi ako.

"Paano ba 'yan, Vontelardo. Mas magaling na ako sa'yo" baling ko kay Brix na nailing lang sa sinabi ko. "Don't be too full of yourself. Sinuwerte ka lang ngayon" ngisi niya pabalik kaya napangisi rin ako.

Kapagkuwaan ay ibinaling ko ang atensyon ko sa kabilang linya ng court kung saan naroon si Kap. Napaawang ang labi ko nang makitang sunod-sunod ang tira ni Kap sa mga bola at pasok lahat. His threes are all in! Can you fucking believe that?

Napailing ako. Bakit pa nga ba ako nagugulat? Dapat sanay na ako putcha. Si Kapitan iyan e.

Naglakad ako papunta sa bleachers at dinaluhan si Monterelba na naupo rin. Inaasahan ko na kukuha siya ng tubig para uminom pero iba ang pinagkaabalahan niya. Sa halip ay inilabas niya ang phone niya. Malamang, tatawagan na naman ang nililigawan niya.

Tangina, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nanliligaw na ang Monterelba na 'to. Babaero iyan. Takot nga iyan na maitali sa babae. Pero kita mo nga naman ngayon. He's like a lovesick fool wanting the attention of one single woman named Patricia Ardena.

Anong kulam ang ginawa non at nagagawa niyang patinuin ang gagong ito? Noong nakalipas na araw, lumalabas ang grupo para uminom. Before, he used to drink more than his beer tolerance. Then after that, he would go out and fuck a girl. Pero ngayon hindi na. Dalawang bote nga lang ang iniinom niya tapos katukad ni Kap, hindi naglalasing! Para bang takot na mapagalitan ng sino man na binibigyan niya ng halaga.

Damn,

I reached for a bottle of water and drank straightly at it. If this would taste like beer, I would drink more of it. I took another bottle. Binalingan ko si Axel para sana ibigay iyon kaso hindi ko itinuloy nang makitang may malalim na kunot sa noo niya habang nakatingin sa phone niya.

At dahil usisero ang gwapong ako, pasimple kong sinilip kung ano iyon. My lips formed a small 'O' when I saw what it is. It was a picture of Terence and Patricia, hugging.

Kaagad akong umayos ng upo nang makitang umigting ang panga ng loko. He placed his phone back in his bag and stood up. Binalingan ko si Vontelardo at Aldereva nang mapatitig sila kay Axel na dinampot ang bola at tinira ang ring. It roughly got inside the ring. He took another ball and shot it. Then another. And another. Then another. And another. More and more.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon