Chapter 19: gusto ko

70.2K 1.9K 76
                                    



.
.
.

nothing could keep us apart
you'd be the one I was meant to find
🌻

Patricia

Nagising ako na wala si Axel sa tabi ko.

Wala na naman siya.

I checked the time. It's 2 o'clock in the morning. My eyes are still heavy. Mapait akong napangiti. Mata nga lang ba talaga Patricia?

I think not because my heart is bleeding. It feels heavy and torn.

Tumingin ako sa bedside table para tignan kung may sulat man siyang iniwan pero wala rin. Ganito na lang ba ulit Axel? Aalis ka na naman ng walang paalam?

Maraming ideya ang pumasok sa isip ko at iba-ibang tanong ang pumorma sa utak ko.

"Is this how it ends then?" Halos mangiyak-ngiyak kong usal.

It was that feeling until I heard the door open.

Only Axel has my spare key. Kaya siya lang ang taong alam kong maaaring papasok. Dahil don, mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata ko.

Para akong tanga dito sa ginawa ko pero hindi ko alam kung ano man ang gagawin ko kapag nakita ko siya ulit. Para akong naging tuod na hindi makagalaw nang maramdaman ko ang paglapit ng presensya niya sa akin.

I heard him place his car keys on my bedside table. My heart beats louder when I felt the bed move. At sobrang pagpipigil kong huwag suminghap nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang pagbaon ng mukha niya sa batok ko.

"Pikachu..." i heard him whisper ruggedly.

Hindi ako gumalaw. Ngunit mariin akong napapikit nang madama ko ang pagbasa ng batok ko.

My lips parted in shock. Gusto kong sabihing mali ang hinala ko pero katotohanan mismo ang bumubulong na tama ang tumatakbo sa isip ko.

He's crying...

Bakit siya umiiyak?

"Patawarin mo ako, Patricia. I'm sorry for hurting y-you.." paos niyang saad sa napakahinang boses.

Parang tumigil ang oras. Bumilis ang tibok ng puso ko. I was taking time to calm myself but it is not working either. Lalo na nang isiksik niya lalo ang sarili niya sa akin. "H-huwag mo a-akong iiwan.. p-please" his voice cracked.


Pilit kong pinatitigil ang puso ko pero ayaw nitong kumalma. The surrounding was calm but not my heart and Axel's breathing.

"I know you're awake" he muttered. And I opened up my eyes when I felt his warm lips on my nape.

"Bakit ka umiiyak?" Malumanay na tanong ko. Hindi ko man siya nakikita pero rinig ko sa bawat bigat ng paghinga niya ang gustong iparating ng mga mata niya.

Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

Gusto ko siyang lingunin pero hindi niya ako hinayaan. "Pat, puwede bang ako lang? Puwede bang walang Terence? Can it be just you and me?" He asked.

Bakit na naman naisali niya si Terence?

Tinangay ng boses niya ang namumutawing lakas sa dibdib ko. "Bakit? E may Amanda ka na diba?" Muling bumalik ang sakit sa puso ko. "Bakit pa Axel?" Dugtong ko.

"Hindi ko siya mahal. She's my ex and it will stay that way. I have you and you are more than enough"

Pumorma ang walang buhay na ngiti sa labi ko. Ang hirap paniwalaan na hindi na niya mahal si Amanda. Because as far as I know, his own definition of love is her.

The Playboy's Setback (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon