Simula

10.5K 247 9
                                    

Simula

Ang malamig na simoy ng hangin ay banayad at masuyong dumadaan sa aking mukha. Para akong hinehele ng mga marahan nilang pagsamyo sa paligid. Ang kulay at buhay na buhay na kulay berdeng mga dahon at sumasayaw kasabay ng hangin.

Inayos ko ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sa aking mukha dahil sa malakas na hangin. Pinipilit kong makinig sa mga sinasabi ni Highness Ruena. But I couldn't help my self to think of something that making me averted my thought on her story.

"Nasa mga murang edad pa lamang kayo mga munting anghel. Marami pa kayong kailangang alamin at tuklasin bago magkaroon ng misyon sa mundo ng mga mortal." ani Highness Ruena. Napatango naman ang ilang anghel na kasama ko na nakikinig sa kanya.

"Hindi na ako makapaghintay na lumaki at makatanggap ng mga misyon para pumunta sa mundo ng mga mortal. Gustong gusto kong masilayan at mapanood ang kanilang pamumuhay." maligayang saad ni  Gabriella at maging ang ibang anghel ay masayang tumugon sa kanya habang ako'y tahimik lang na namamasid sa kanila dito sa likod.

"Ako rin. Nais ko nang maglakbay sa ganoong mundo. Nakakapagod ang lumipad paroon at parito. Gusto ko na rin masilayan ang bagong mundo."  ani Havena at tumayo siya. Nagpaikot ikot at humagikhik naman silang lahat roon maging si Highness Ruena. Maliban sa akin dahilan para mawagi ang tingin niya rito.

"Ikaw naman Astrid, gusto mo rin bang tumanggap ng mga misyon?"  marahan at malambot ang boses na tanong ni Highness Ruena at natigilan naman ako sa kinauupuan ko. Napaayos ako ng upo at napasinghap nang bumaling sila sa aking lahat. Mahigpit akong napahawak sa mga maliit na damo sa gilid ng lahat sila ay mapatingin sa akin.

This is the thing I'm avoiding on the entire conversation and its happening now.

Sandali akong hindi nakapagsalita dahil pumipili pa ako ng mga tamang salita na ilalabas sa bibig ko.

"Of course Highness, Astrid like it too. If they'll agreed I want the both of us take a mission together!" si Heather na ang sumagot sa tanong ni Highness. Dahil doon ay nalipat ang tingin sa kanya ng lahat at nakahinga ako ng maluwag.

"Nakakahanga ang plano na iyan. May mga ilan na ring anghel na nagsama sa isang misyon at sana'y isa kayo sa mga pagbibigyan ng ganoon." si Highness at tumuon sa ibang anghel na naroon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan ng mawala sa akin ang buong atensyon.

"Don't worry I am always on your back, Astrid." si Heather at kusa naman akong napangiti sa kanya. Heather is my closest friend here on all of the angels. Hindi ko nga inaasahan na magkakaroon pa ako ng kalapit rito lalo na at lahat sila ay malaki ang lamang kaysa sa akin. Anghel kaming lahat pero malaki ang pagkakaiba ko sa kanila.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nanatili sa mundong ito na sila ang kasama at puro. Namumuhay katulad nila na para bang katulad na katulad ko sila. I am always taking a step away from them. Pakiramdam ko ibang iba ako sa kanila at hindi ako nababagay rito.

Kahit anong pilit kong pagsusumiksik nanatili pa rin ang pakiramdam na ibang iba ako sa kanila.

She talks with me like I am normal like the other angels. She's always on my side and smiling that she see me without any difference. She's the only one who wants to play and do all the things here together with me, and I think that made us best friend. Kagaya ng sinabi ni Highness Ruena kung anong tawag roon.

I am a nephilim or a half human and half angel. Hindi kagaya nila na puro at kitang kita ang halo sa taas ng mga ulo habang ang akin ay wala. Kaya ramdam na ramdam ko ang pagkakaiba sa kanila. I'm an outcast in this paradise. I'm a half mortal, pinipilit na makibagay sa mga totoong anghel.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon