Kabanata 12

2.2K 126 5
                                    

Kabanata 12:
Torture

"U-Uhm sa tingin ko kailangan mo nang pumunta sa Hospital. Paunang lunas pa lang ang nagawa ko at kailangan pa rin yang matignan ng propesyonal." saad ko matapos ang mahabang katahimikan. Hindi ko alam kung bakit ako naman ngayon ang naghahabol ng hininga habang mataman siyang nakatitig sa akin.

"Ayos lang ako. Mabilis din 'tong gagaling. Hindi ko kailangang pumunta sa hospital." sagot niya at kumunot ang noo ko.

"No. Paano ka makakasigurado ng ganyan? You're not a doctor." pangaral ko sa kanya at tumaas naman ang sulok ng labi niya.

"I'm better than doctor." kumunot ang noo ko at tumawa lang siya sa reaksiyon ko.

"Hindi gagana sa akin iyang pagtawa mo." seryoso kong sinabi at natigil naman siya sa pagtawa. Kinagat ang pang ibabang labi.

"Yeah. But your serious expression is damn working on me so stop it." saad niya at umawang naman ang labi ko. Gulat siyang tinignan na nginisihan niya lang.

"Its getting late. C'mon I'll bring you home." sabi niya at hinawakan ang braso ko para alalayan akong tumayo. Kahit ako dapat ang gumagawa non dahil may sugat siya sa braso pero tumayo lang siya na parang wala siyang iniindang sugat. Tumingin ako sa kanya na nanliit ang mata at tumitig lang siya sa akin.

"Ihahatid mo ko?" di ko naniniwalang tanong at tumango lang siya.

"Yes. I will ask your Lola for permission that I'll stay in your house for tonight." napasinghap ako sa gulat.

"Hindi puwede! Matutulog ka na ganyan ang sugat mo?"

"Kailan ko sinabing matutulog ako ng ganito? Hindi ba't sabi mo gagamutin mo?" aniya at biglang nag-init ang pisngi ko. Namilog ang mga mata ko na ikinahalkhak niya lang.

His laugh echoed in the whole area. Lumipad ang mga ibon para lumipat sa mga sanga. Nangyari rin iyon kanina pero hindi ako makaramdam ng takot ngayon.

Sa totoo lang ay parang nainis pa ako sa halakhak niya at matalim siyang tinignan. Tumawa lang siyang muli at tinalikuran ko na lang. Nauna na akong maglakad. Kahit hindi ako nakaharap, ramdam ko na nakangisi siya sa likod ko. Nakakainis. Nag-aalala ako sa sugat niya pero umaakto siyang parang wala lang iyon.

"Sandali, hintayin mo ko." tawag niya sa akin dahil hindi ko namamalayan na bumibilis pala ang paglalakad ko.

"Hintayin mo mukha mo." bulong ko ng sobrang hina at hindi ko alam kung narinig niya na iyon dahil bumalanghit siya ng tawa. Kunot noo ko na lang siyang tinignan at hinayaan nang sabayan ako sa paglalakad nang nakangisi.

Nakarating kami sa tabing ilog at nakasakay na kaming dalawa sa bangka. I was about to grab the paddle when he stole it from me. Siya na ang nagsagwan.

Nginisihan niya lang ang nakabusangot kong mukha. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at at bumaling na lang sa buwan. Ang tumitig sa liwanag ng buwan ay kinakalma ang paghinga ko habang ang puso ko ay dumadagundong dahil sa titig ng lalaking nasa harap ko.

Ang paru-paro sa tiyan ko ay nagbubunyi. Sa kabila ng nararamdaman, pakiramdam ko sobrang ligtas ko ngayong narito siya. Ito na yata ang natatanging pagkakataon na binagtas ko ang daan pauwi sa madilim na ilog na ito nang hindi ako nangangamba at hiniling na sana mas tumagal pa ang biyahe naming dalawa.

Tahimik kami hanggang sa mapunta na sa malaking parte ng ilog kung saan mas malakas na ang ragasa ng tubig. Kaya hindi na kailangang magsagwan.

"Hindi ba mag-aalala ang pamilya mo kapag hindi ka nakauwi ngayong gabi?" sinubukan kong labanan ang mataman niyang pagtitig sa akin. Walang pinagbago ang ekspresyon niya pagkatapos kong tanungin iyon.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon