You are not allowed to name your Guardian Angel
Kabanata 16:
AbalaHanggang sa matapos ang klase ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita kanina. Malinaw na nakita ng dalawa kong mata at narinig ang napagusapan ni Demetrio at nang weirdong lalaki na iyon. Sa lakas ng boses ni Jessie malabo na hindi nila narinig ang pagtawag niya sa akin. Ang tanging naiisip ko lang na dahilan kung bakit mabilis silang nawala ay dahil sa kaalaman na may iba pang tao sa hallway.
Sabay kaming naglalakad ni Jessie patungo sa parking lot at nakatingin siya sa phone niya. Habang ako ay isa-isang tinitignan ang mga makakasabay na estudyante.
"Koraun text me that he's already on the parking lot. Sinabi niya din na nagtext na siya sayo. Mukhang panatag na ako na iwan ka dahil siguradong wala kang takas roon." sigurado niyang saad at huminga lang ako ng malalim.
Natanggap ko na nga ang mensahe ni Koraun kaya alam kong wala na akong magagawa pa. Ang pagmamasid na nga lang sa paligid ang nagagawa ko na baka sakaling makita ko si Demetrio pero hindi ko siya mamataan dito.
"I think so..." mahina kong saad.
"My driver's already here. Mauuna na ako at wag kang tatakas kay Asaiah!" she glared at me before smiling and walking towards their car. She wave her hand and I wave mine too as a goodbye. Tahimik ko siyang pinagmasdan hanggang sa makaalis ang sasakyan nila.
Bumuga na lang ako ng malalim na hininga at nagtungo na kung nasaan ang sasakyan ni Koraun. Akala ko ba naman makakatakas ako ngayon pero hindi ako hinayaan ni Jessie na makalabas sa silid kanina hangga't hindi tapos ang klase nila Koraun.
Marami akong nakakasalubong na college students sa bahaging ito ng parking lot dahil pang college ang parking na ito. Kaya nga ako nagbabakasali na makita si Demetrio pero wala naman akong ideya kung naka sasakyan siya pagpasok at kung anong itsura ng sasakyan na gamit niya.
Nawala lang iyon sa isip ko ng mamataan si Koraun na prenteng nakasandal sa kulay abo niyang sasakyan, na bago ngayon sa paningin ko. I puckered my lips to suppressed my smile. Kusa talaga itong umaangat kapag nakikita ko si Koraun.
Nakaangat ang isa niyang kamay kung nasaan hawak ang cellphone at nagtitipa siya roon. Agad niya rin namang binaba at narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Napahinto muna ako sa paglalakad para basahin iyon.
Koraun:
Nasaan ka? Sabihin mo sa akin at pupuntahan kita.
Ngayon hindi ko na napigilan ang pagkawala ng ngiti at tuluyan na iyong kumawala sa labi ko. Hindi ako nagtipa para sagutin iyon dahil nandito na rin naman ako. Muli kong sinilid ang phone sa bag at hahakbang na sana ulit para tuluyan ng lapitan si Koraun pero napahinto ako ng makitang may kasama na siyang dalawang babae.
"Hey Koraun. Hindi ka ba sasama sa night out nila Zenthus mamaya?" tanong sa kanya ng isang babae at kumunot ang noo ko.
Napagdesisyonan ko na hindi muna maglakad papalapit sa kanila para hindi sila maisturbo sa paguusap. Pero hindi ko mapigilang itaas ang kilay ko. I don't know who's this girls he's talking with. Ngayon ko lang ito nakita ag base sa mga suot na uniporme ay mga kolehiyala.
Hindi ko kailanman nakitang may kasama o kinakausap na babae si Koraun at ngayon lang. I know how good his appeal is. Sa itsura niya halata na talaga na habulin ng babae. Siguro hindi lang talaga ako sanay na makita siya sa ganitong sineryo na may kasamang babae maliban sa akin.
Alam kong wala naman akong karapatan pero kusa akong may naramdamang bigat sa dibdib. Huminga na lang ako para walain iyon dahil ang babaw naman kung magkakakaganoon ako dahil lang sa nakita ko siyang may kausap.
BINABASA MO ANG
Embracing His Downfall (Archangel Series #2)
Teen FictionWhat will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite their forbidden love?