Kabanata 15:
HallucinatingMasama pa rin ang tingin sa akin ni Jessie pagkatapos kong kumain. Halatang halatang hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari. Matalim ang tingin niya at nasa akin ang buong atensyon na parang ang bawat galaw ko ay binabantayan niya. Napahinga ako ng malalim.
"Hinding hindi kita hahayaang umalis sa kwarto na ito na mag-isa, Astrid." mariin niyang saad at umupo ng maayos sa katapat kong sofa. Direktang nakatingin na sa akin ngayon.
"We'll see about that." simple kong saad at tumingin sa aparato na nakalagay sa kamay ko. Mukhang madali lang na tanggalin ito kung sakaling aalis man ako mamaya.
"Nababaliw ka na ba talaga huh? Hindi ka puwedeng pumunta kay Demetrio ng ganoon lang kadali! Na para bang kakamustahin mo lang siya! Siguradong magagalit si Koraun rito!" pangaral niya pa at medyo tumaas ang boses. Napabuntong hininga naman ako.
"Puwede bang palipasin mo muna ito at hayaan mo muna ang sarili na gumaling. You can't be hasty on deciding on your own. Mukhang hindi mo rin naman makakausap si Demetrio dahil sa kalagayan niya. Mag-isip ka muna, Astrid." si Jessie mataas ang tono ngunit tunog pangaral iyon para sa akin.
Napabuga naman ako ng hangin dahil may punto siya at tama ang sinabi niya. Kung pipilitin kung makaalis dito para makausap si Demetrio ay mukhang masasayang lang din dahil hindi ko naman siya makakausap. Mahirap din kung malalaman ni Koraun ang tungkol sa pagtangka kong umalis.
"Mukhang darating na si Koraun ano mang minuto. Hindi ka rin makaalis." kompiyansa niyang sinabi at siguradong sigurado roon. Hindi na ako nagsalita at sumuko na sa kanya. Mukhang hindi nga tamang ideya na gawin iyon ngayon. Magpapalipas muna ako ng ilang araw para ipahinga ang sarili.
Tama naman ang sinabi ni Jessie na anumang oras ay darating si Koraun, dahil ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas ang pinto at iniluwa siya noon. Agad na dumapo ang mga mata ko sa kamay niya na may benda na ngayon at ang ilang parte ng mukha niya na may bandage.
Madilim pa rin ang mga mata niya at puno ng intensidad. Dumirekta ang mata niya sa akin at agad naman akong ngumiti na may kahalong lungkot sa kanya.
"Ayos ka lang?" tanong ko ng tuluyan siyang huminto sa harap ko.
"I'm the one who should asking you that. How are you feeling now? Masakit pa ba ang sugat mo?" marahan niyang tanong gamit ang namumungay na mga mata at tumango naman ako.
"Maayos na ako." nanliit ang mga mata niya. "Totoo!" segunda ko.
"Mas mabuting isipin mo ang sarili mo. Mukhang pagod na pagod ka at kulang sa pahinga. You should stay here and rest for another vacant room." ani ko at kinamot niya lang ang kilay niya. Pinasadahan ang buhok na mas lalo lang nagpagulo noon pero nagpaganda sa itsura niya. He look tired but that's not enough to lessen his look and appeal.
Ganoon pa din kaperpekto at ang mga sugat ay hindi kabawasan sa mukha niya. Simple lang ang suot niya, isang white shirt at itim na pantalon. Simple pero bumagay sa kanya. Sobrang gwapo pa rin. May sugat na ako sa noo, pero ganito ko pa rin siya purihin. Napanguso tuloy ako at agad siyang napatitig roon. Agad nag-init ang pisngi ko.
"Maiwan ko muna kayong dalawa. You should talk to Astrid, Koraun. Mukhang sobrang sama talaga ng pagkakatama ng bola sa ulo niyo at masama ang epekto." si Jessie at hindi ko alam kong sarkastiko ba at lumakad palabas para iwan kaming dalawa ni Koraun ng mag-isa.
"May nangyari ba?" marahan niyang tanong at hinila ang isang upuan para tumabi sa akin. Tinukod ko naman ang kamay sa gilid para makaupo ako. Agad naman siyang umalalay sa akin para tulungan ako. Napatingin ako sa kamay kong nasa kandungan ko ngayon at bumuga ng hangin.
BINABASA MO ANG
Embracing His Downfall (Archangel Series #2)
Teen FictionWhat will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite their forbidden love?