Kabanata 4

3K 164 16
                                    

Kabanata 4:
Buy

"Hi." aniya at bigla akong napabalik sa aking wisyo. I blink my eyes and heaved a deep breath to make myself back on normal. Masyadong nakakabighani at nakakawala sa sarili ang mga titig niya sa akin, na hindi ko magawang maging panatag ngayon sa harap niya. May malaking bagyo pa rin na nasa loob ng dibdib ko dahil sa malakas at marahas na pagkalabog ng puso ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko dahil gulat talaga ako na makita siya ngayon rito. Ayokong umasa at magbakasali sa maling akala na ako ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon. We just met once, so why would he come for me here anyway. Umayos ka nga Astrid!

"I am waiting for you." he said smoothly but like a thunderstorm on me that hit my whole body violently. My system stops for a while, and seconds pass they turn wild. Ang tindi ng kuryente na tumama sa akin na hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang panginginig noon. 

"Why would you wait for me? M-May kailangan ka ba?" marahan kong tanong sa kanya at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali kapag kaharap siya. Why I'm trembling and feeling nervous suddenly? The ghost of a smirk form on his lips but pursed to hide it.

"I just want to see you, being with you yesterday was not enough." aniya at laglag ang panga ko sa mga binitawan niyang salita. I gasped loudly but I immediately calm myself. Nakakahiya ang magpakita sa kanya ng ganoong reaksyon.

"Uh... Nakita mo na ako, kung ganoon uuwi ka na?" maingat kong tanong at hindi ko alam kung bakit bigla siyang humalakhak. His sudden laugh snatch the oxygen to the place that I can't breath anymore. The moves of the side of his lips are breathtaking.

"Going somewhere? Puwede ba kitang samahan?" aniya at mukhang napansin ang malaking plastic bag na dala ko at shoulder bag na nakasabit sa kanan kong balikat.

"Uhm pupunta akong bayan para mamili ng kailangan namin sa susunod na linggo." simple kong saad at napatango tango naman siya. His features are sharp that make him look cold and snob bad boy so I can't understand why he seems so playful and friendly to me.

Nakasuot siya ng simpleng pananamit ng mga mortal. Isang pang-itaas na simpleng shirt na kulay kalangitan. Pantalon na kakulay ng dilim at sapatos na nagsusumigaw ng mamahaling halaga nito. Nakaramdam ako ng hiya ngayong ganito siya kalapit sa akin.

Habang ako hindi sigurado sa itsura ko sa simpleng puting dress na suot na may kunti lang na disenyo. Hindi mamahalin, plain at simple lang. Pero sa kanya kahit ano siguro ang isuot babagay.

"I can drive you to your location." agad na naginit ang pisngi ko ng mapagtanto na baka napansin niya ang kanina ko pang paninitig sa suot niya. Kaya mabilis akong nag-angat ng tingin at mga mata niya na lang ang tinignan ko. Pero para namang hindi ako makapagsalita ng maayos habang nakatingin roon.

"Uh h-hindi na. Nakakahiya, kaya ko namang maglakad palabas rito at sasakay na lang ng jeep na dumadaan sa bungad ng gubat." sagot ko at mataman siyang tumuon sa akin na nagpangatal ng buo kong katawan.

"I insist. Iyon naman ang dahilan kung bakit ako naghintay rito." sagot niya na hindi ko pa rin mapaniwalaan hanggang ngayon dahil parang hindi totoo na naghintay siya para sa akin talaga.

"Salamat na lang. Kaya ko naman talaga e. Masyado ka ng maraming naitulong sa akin at hindi pa ako nakakabawi doon sa una." ani ko at yumuko ng ulo ng makitang seryoso na siya bigla at wala ng bakas ng ngiti o kahit anong kasiyahan. Pakiramdam ko tuloy nagkamali ako ng nasabi at baka nainis siya sa pagtanggi ko sa kanya.

"Don't mind returning back the favor Astrid. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Nabayaran mo na rin naman iyon dahil narito ka na ngayon."  aniya at kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko iyon nakuha. Kaya umangat ang tingin ko at nakita ko na naman ang multong ngiti na nandoon sa labi niya. He bit his lower lip like a mannerism and stared back at me.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon