Kabanata 19

1.9K 99 3
                                    

Kabanata 19:
Sige

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni Demetrio?" tanong ko habang nakatitig sa mukha niya sa screen ng telepono. Sabado ng umaga at kagigising ko lang ng tumawag siya. Gabi na rin akong nakauwi mula sa kanila at hindi ko na alam kung ano pang nangyari sa usapan nila dahil hinatid muna ako ni Koraun bago bumalik at kausapin si Demetrio.

I even don't know if their talk went well, without trying to kill each other on stare. Noong makita ko kasing madilim ang ekspresyon ni Koraun habang nakatingin kay Demetrio ay nag-alala ako. He's staring at him like Demetrio is not his best friend.

Nakita ko ang comforter at ilang abong unan sa likod niya kaya sigurado akong nasa kwarto niya pa rin siya at mukhang kagigising lang din dahil sa gulo ng buhok na mukhang ni ang kamay ay hindi pa napapasadahan. Nahihiwagaan ako kung ano ang itsura ni Koraun kapag bagong gising at hindi ko naman inaasahan na makikita ko siyang ganoon ngayon.

Gusto kong iiwas ang tingin sa mata niya. Nahihiya ako ngayong makita siya sa ganoong ayos. Sobrang gwapo niya sa umaga na nahihirapan akong huminga. Kasalanan iyon ng magulo niyang buhok na mas lalong nagpapaganda ng itsura niya. Halos mag-init pa ang pisngi ko ng ayusin niya ang camera dahilan para makita ko na wala pala siyang suot na pang-itaas.

He's topless in the morning! Bakit niya ako kinakausap ng ganito! Ang aga aga at nararamdaman ko na naman ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Agad na nagliyab ang pisngi ko.

"Maayos... naman. We talk for quite long minutes. I listen to all of his explanation like what you said and I control myself not to punch him again." he said with his bedroom voice. He's looking at me sternly with his usual serious expression. I don't know why my heart hammered suddenly.

Tumikhim ako para ayusin ang boses dahil kagigising ko lang at nakatago ng kaunti ang mukha ko sa unan. Nakakahiya kong ipapakita ko ang ganitong itsura kay Koraun. Its unfair.  Sobrang ayos ng itsura niya kahit bagong gising lang at ako ay hindi ganoon. Gulo-gulo pa ang buhok ko at hindi pa ako nakakapaghilamos at sipilyo kahit hindi niya naman ako maamoy.

"Nagkaayos na ba kayong dalawa?" marahan kong tanong at tumahiya mula sa pagtatagilid dahil nahihirapan ako sa posisyon ko. Kita ko namang kumunot ang noo niya.

"Remove the pillow, I want to see your face." he said with his raspy voice and my heart hammered more. Lihim akong napahinga ng malalim.

"U-Uh... K-Kagigising ko lang, nakakahiya kong makita mo 'yong mukha ko." halos mapaikit ako sa biglaang panginginig ng boses.

"What do you mean? You look like a goddess from sleep, Astrid and I miss you. I want to see your face first before anyone, please." aniya sa bahagyang paos na boses at nanginig ang labi ko. Mataman lang akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay ganoon din at hinihintay ang gagawin ko.

Sa huli ay napahinga ako ng malalim at pinagbigyan siya sa gusto at tinanggal ang unan. Halos takpan ko pa ang buong mukha dahil sa hiya. Hindi pa nga ako nakakapaghilamos at hindi pa sigurado kung may muta ba ako. Bakit kasi sinagot ko agad ang tawag niya nang wala man lang akong abiso sa sarili.

I heard him cursed at bigla kong naibalik ang tingin sa kanya. Nakita kong dumilim ang mga mata niya at pinikit niya ng mariin iyon bigla. His jaw clenched and he growled unfamiliar words then he look at me darkly. My chest heaved in surprise at his reaction.

"Baby don't make me lost myself early in the morning...." he said in his raspy voice, sounding like a scoffed. Nagsalubong naman ang kilay ko sa kaba sa reaksiyon niya.

"A-Ano, may mali ba?" kinakabahan kong tanong sa sinabi niya.

"I can see your cleavage here, baby. Get the pillow and cover it again, please." pakiusap niya at nanlaki ang mata ko. Mabilis na nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Halos ramdam ko ang pag-iinit dahil sa hiya. Mabilis akong napatingin doon at nakitang medyo kita nga ang dibdib ko dahil sa bahagyang bumabang spaghetti strap kong suot.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon