Kabanata 7:
No OneI just pouted while watching him continuing feeding the ducks. Natalo ako sa pagpupumilit sa kanya at sa huli ay siya ang nasunod na magpakain.
"Nadudumihan ang damit mo." puna ko ng makitang dumadami ang talsik na putik sa T-shirt niyang suot. Wala pa namang extrang shirt siyang dala at wala din naman akong mapapahiram na damit sa kanya dahil walang lalaki sa bahay. Hindi ko lang sigurado kung may natira bang panlalaking damit sa pamilya ni Lola.
"Oh, huhubarin ko na lang." simple niyang sinabi at kumunot ang noo ko nang binaba niya ang balde. Akala ko nagbibiro lang siya pero marahas akong napasinghap ng iangat niya ang braso at hinubad ang damit.
Namilog ang mga mata ko at nagpapanik na tumalikod sa kanya.
"B-Bakit ka naghuhubad sa harap ko!" hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Narinig ko na lang siyang humalakhak sa reaksyon ko at nagkasalubong naman ang mga kilay ko.
"I can't understand you. Ayaw mong namamantsahan ang damit ko, ngayong hinubad ko ay ayaw mo rin." hindi ko alam kong reklamo ba yun o pang-aasar dahil may bahid nang pagpakapilyo ang tono niya. Mas lalong nagkasalubong lang ang kilay ko.
Hindi ko magawang lumingon sa kanya sa takot ko na hindi ko alam kung para saan. Bumagsak ang tingin ko sa mga bibe na umiinom. Hinihiling ko na sana may tubig rin ako para ibsan ang biglang panunuyo ng lalamunan ko.
"Paano kung m-magkasakit k-ka? Kasalan ko lalo na at hinayaan kitang gumawa ng gawain na dapat para sa akin." I said and I don't really understand why I stutter. Huminga ako ng napakalalim dahil bigla akong naghahabol ng hininga.
"Concern eh." ngayon sigurado na akong nang-aasar lang siya dahil bakas na bakas ko na ang panunuya roon. Matalim akong bumaling sa kanya pero agad nawala iyon nang mahigit ko ang hininga ng makita ang katawan niya.
Alam ko na dati na may maganda talaga siyang katawan, pero hindi ko alam na mas maganda iyon ngayong malapitan. Kitang kita ko ang mga detalye na kinakapos ako sa hininga. Mabilis akong napasinghap nang makita ang braso niya at ang namumutok na muscles at nangangalit na mga ugat pababa sa kanyang mga kamay.
Sunod sunod akong lumunok nang mapunta ang mata ko sa dibdib niya. Mapalad ang kanyang balikat at kahit hindi ko hawakan alam kong matigas ang kanyang dibdib. Halos hindi na ako makahinga nang bumaba ang mata ko at mapatingin sa anim na perpektong abs niya na parang inukit at hinulma ng magaling at propesyonal na tao sa larangan ng sining.
Hindi ko alam na ang katawan ng mga mortal ay nakakaakit at susubukan ang aking sarili na magkasala sa pagtitig roon. Kahit alam kong huli na ay mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Mabilis ang pagkalabog ng dibdib ko ng marinig ko siyang tumawa.
"B-Bahala ka. Hindi ko na k-kasalan kong magkasakit ka! P-Pupunta lang ako sa kwadra para pakainin ang mga kabayo." paalam ko at medyo tensiyonado pa. Mabilis akong naglakad patungo sa mga kabayo. Narinig ko pa ang halakhak niya habang papalayo ako at napapikit ako ng mariin.
Gusto kong saktan ang sarili sa ginawang paghagod ng tingin sa katawan niya kanina. Nakakahiya!
Nang makarating sa kabilang kulungan ay halos hingalin ako sa paghahabol ng hininga. Parang tumakbo ako ng pagkalayo layo kahit ilang hakbang lang ito mula sa pinaggalingan ko. I took a deep breath again and sigh, calming my nerves inside. Nagwawala na iyon sa loob ko at ang paru-paro sa tiyan ko ay parang nagbubunyi.
I gently wipe the sweats in my forehead. Binuhat ang balde na naglalaman naman ng pagkain ng kabayo. Habang ang isa ay naglalaman lang ng mga dahon. Tatlo ang kabayong alaga ni Lola at hati hati sila sa laman ng baldeng dala ko. Isa isa ko silang pinagbuhos ng pagkain sa lalagyan at agad silang tumalima para tikman iyon.
BINABASA MO ANG
Embracing His Downfall (Archangel Series #2)
Novela JuvenilWhat will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite their forbidden love?