Kabanata 35

1.8K 81 5
                                    

Kabanata 35:
Tito

I can feel the familiar loud pounding of my heart inside my chest. It is still my same reaction whenever my eyes laid on him but the difference now is it mix with nervous and worry.

When my eyes met his dark eyes it feels like that I don't know him anymore. That he is not the Koraun I used to know before. Para siyang isang estranghero kahit na nararamdaman ko pa rin ang epekto na hatid niya sa akin. Pakiramdam ko hindi ko na ulit siya mahahawakan pa. Nag-init ang mga mata ko sa napagtanto at humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Heather.

"H-Hindi natin sila puwedeng iwan, Heather. The number of demons are dominating them. M-Matatalo sila." nanginginig kong saad dahil sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Napapikit naman saglit si Heather habang seryoso ang mga mata na nakatingin diretso sa daan na patutunguhan namin.

"I know but I trust Ingrid and she's strong. Don't worry about them they can handle it. You can't stay with the same place where he is." aniya at mas lalong binilisan ang paglipad. Napalingon ako sa likod namin at napasinghap ako ng malakas ng makita na may ilang demonyo na humahabol sa amin.

"Hinahabol nila tayo, Heather." sabi ko at mas humigpit muli ang pagkapit niya sa akin.

"Hawakan mo lang ako ng mahigpit, Astrid." sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko naman magawang matanggal ang tingin ko sa likod namin kung saan naroon ang kinaruruonan ni Koraun.

Kahit malayo, kitang kita ko ang kilos niya at ang ulo niya na umangat patungo sa puwesto namin. My breathing hitched when he walk and some angels stood in front of him to stop him. I gasped when in one sway of his hand and all the angels in front of him vanish. Tumalsik silang lahat ng sobrang layo sa kanya.

Malakas akong napasinghap at umawang ang labi ko nang ilabas niya ang mga pakpak niya. Mukhang may balak siyang lumipad at dumagundong ang puso ko ng makita ang mga kulay pula niyang pakpak.

Sa maikling segundo na lumapat ang mga mata ko sa kaya, napansin ko na walang nagbago sa anyo at mukha niya. Ganoon pa rin siya katulad ng huli ko siyang nakita maliban sa ekspresyon at aura niya.

Kung gaano ko nakabisado ang mukha niya ay ganoon ko pa rin ang nakikita ko ngayon. He still has the same appearance and lean muscles. He doesn't look like those demons around us. Iyon pa rin ang mukha at kaanyuhan ng lalaki na minahal ko at tanging ang pula niyang pakpak ang nagpakompirma sa akin na isa siya sa mga kalaban.

Ang luha na pilit kong pinipigilan ay umagos sa pisngi ko sa pagsampal sa akin ng katotohanan. Even I already heard from Nathalie and Heather the truth that he's one of those demons my mind still didn't absorb it.

I make myself believe that he never fooled me about his real identity and seeing him now make my chest tightens. I gasped in disbelief and I bit my lower lip to suppress the sob that wanting to come out. There's no time to cry and mourned in this kind of situation.

May ilang humarang muli kay Koraun para pigilan ang paglipad niya at hindi ko na nakita ang pangyayari ng bumaba na kami mula sa paglipad ni Heather at pumasok kami sa kakahuyang bahagi ng kabundukan.

She's catching her breath when we laid down on the ground. Umayos ako ng tayo at hinawakan ang balikat niya.

"Ayos ka lang ba Heather?" tanong ko at isang hingang malalim ang ginawa niya bago tumango sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at naglakad kami ng kaunti. Medyo malayo sa gitna ng kalupaan.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Darating na sila pagkalipas lang ng ikang minuto. Before that happened I need to do a barrier so they can't touch you." aniya at pinatayo ako sa pinakagitnang puwesto.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon