Kabanata 37

1.9K 81 2
                                    

Kabanata 37:
Back

Dahan dahan akong gumapang para magtungo kay Demetrio. Napadaing agad ako sa sakit nang sinubukan kong tumayo pero hindi ko na iyon ininda pa masyado at hinawakan ang braso niya. He instantly groaned in pain when I lift his arm.

"Fuck, ang sakit!" he hissed under his breath and I immediately stop moving.

"S-Sorry. K-Kailangan na nating tumayo at baka mamaya ay makatayo na si Koraun." marahan kong saad habang nag-aalala sa mga dugong masaganang pumapatak sa ibang parte ng katawan niya.

"I think I c-can't make it, Astrid." he said breathing rapidlt and horror flood through me when I saw him cough blood. My eyes heated and I gasped loudly.

"A-Anong hindi mo k-kaya!" nanginig ang boses ko habang pagalit na sinabi sa kanya iyon. Kahit nagalit ako sa muntik niya nang pagpatay at paghalik sa akin ay hindi ko pa rin kakayanin kung mawawala rito si Demetrio. I even forgive him already for what he did because he save me for the second time!

Even with his hard breathing and a blood in his mouth, he can hissed throw me a glare.

"Don't give me that awful look. I'm not going to die, I just can't move my body anymore. I can't even feel my feet." aniya at mabilis na tumulo ang mga luha ko.

"A-Ano ng gagawin natin ngayon?" nanginginig kong saad at seryosong tumingin sa akin si Demetrio.

"Pagkakataon mo na para labanan si Koraun. Kahit pilitin ko ang sarili ko na lumaban ay hindi ko na makakaya pa. Ayokong sabihin ito pero isang atake na lang mula kay Koraun ay lala ang sitwasyon. Ang mas masama pa, ay baka tumigil na ng tuluyan ang paghinga ko." aniya at umawang ang labi ko.

Muli siyang umubo ng dugo at nablanko ang isip ko nang magawang makatayo ni Koraun at patungo na siya sa direksiyon namin ngayon.

"Huwag mo na akong isipin, Astrid. Hindi siya ang Koraun na kilala mo. Ang totoong Koraun ay nakakulong sa ilalim ng bumabalot sa kanyang poot ngayon. Pilitin mo siyang maalala ka. Ito ang huli nating tsansa bago pa makabalik ang mga demonyo rito." kung nasa tamang sitwasyon lang kami ngayon ay hahanga ako sa kanya dahil ito ang unang pagkakataon na pinalakas niya ang loob ko.

Lumunok ako bago tumango habang nakabaling kay Koraun. Tinapik ko ang balikat ni Demetrio.

"Just don't die."

"I won't. Koraun still have a debt of one strong punch from me." singhal niya at nanghihina akong ngumiti bago siya iwan sa isang gilid. Huminga ako ng napakalalim bago harapin si Koraun.

Mabilis akong bumato ng ilang punyal sa direksiyon niya bago pa siya makahakbang patungo kay Demetrio. Hindi ko siya puwedeng hayaan na lumapit kay Demetrio. Kahit anong manguari ay hindi niya dapat mapuruhan siyang muli.

How ironic that I'm protecting Demetrio against Koraun now.

Halos walang epekto ang mga patalim na tinapon ko sa puwesto niya at saglit lang siyang huminto. I run immediately and I shoved him in his chest with my full strength that makes him lost his balance. Lumipad siya papalayo sa akin. I gasped and a tears brimmed my eyes when I he got some wounds from my attack.

Akma ko sana siyang lalapitan para tulungan nang biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Demetrio.

"Hindi siya ang Koraun na kilala mo."

Napahinto ako sa akmang paglapit. Napapikit ako ng mariin at dahan dahang tumango roon. Tama si Demetrio!

Tumayo siya at ang mga mata niya ngayon ay mas lalong naging pula. Mas lalo kong nabakasan ang galit niya roon. Ang mga mata niyang sobrang layo sa nakasanayan kong titigan noon. Mabuti na lang at hindi siya nagsasalita, dahil kapag narinig ko ang tinig niya siguradong mawawala ako sa konsentrasyon at matatalo.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon