Kabanata 38

2.2K 89 6
                                    

Kabanata 38:
Peace

"Lovi!!" malakas kong sigaw. Hinihiling na magagawa kong gisingin siya roon pero kahit dulo ng daliri niya ay hindi ko nakitang gumalaw. Mas lalong lumukob ang panlalamig at kaba sa buo kong katawan. Nanginig ang labi ko at umapoy ang galit sa mga mata ng biglang tapakan ang katawan niya ng isang demonyo.

Mabilis na sana akong susugod roon ng mahigit agad ni Koraun ang bewang ko.

"Huminahon ka, Astrid. Hindi ka puwedeng susugod sa kanila." marahan niyang sinabi at banayad hinawakan ang siko ko. Para bang sinisuyo na agad niya ako para pigilan ang pagsabog ng nagbabadyang kumawalang galit sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng galit sa dibdib ko sa nasasaksihan ngayon. Hindi ko magawang matanggap. Ni hindi ko maiproseso sa isip ko kung totoo bang nangyayari talaga ito. Huminga ako ng napakalalim para sundin si Koraun.

"Don't be hasty, Astrid. With their numbers, it's not easy to bring all of them down." Demetrio said coldly and Koraun hissed. Halos magulat pa ako sa pagsinghal niya sa kaibigan.

"Shut up and don't talk to Astrid." Koraun said sternly and Demetrio just shrugged his shoulder.

"Masusunod kung ganoon." sarkastikong sinabi ni Demetrio. Gusto ko silang pigilan sa pagtatalo kaso mukhang hindi nila ako mapapakinggan sa batuhan nila ng matatalim na tingin.

"Nasa seryoso tayong sitwasyon! Itigil niyo iyang dalawa!" pigil ko sa kanila at huminga ng malalim si Koraun at marahang hinaplos ang siko ko habang si Demetrio ay inayos lang ang tayo niya.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa mong ibalik sa dati niyang pagkatao si Koraun." ang malamig na tinig mula sa ama ni Koraun ay nagpangatal ng buo kong katawan. Humigpit ang kapit ni Koraun sa akin habang si Demetrio naman ay nawalan ng emosyon sa mukha.

"Hinding hindi mo ako mapipilit na maging katulad mo, Papa." seryosong sinabi ni Koraun. Sinagot lang siya ng ama sa isang malademonyong tawa na mas lalong nagpalamig sa akin sa bahagyang takot.

Ang tinig niya ay nakakakilabot na naghahatid ng kakaibang sensasyon sa akin. Naninikip pa rin ang dibdib ko sa nasasaksihan roon sa harap. Gustong gusto kong hawakan na si Lovi.

"Oh, anak. Hindi ako makapaniwala na ginawa ka ng babaeng iyan na ganitong kaawa-awa. Tignan natin kung ganyan ka pa ba kahinahon pagkatapos kong kitilin ang buhay ng babaeng iyan." bumaling sa akin ang ama ni Koraun. Parang inatake ang kaluluwa ko sa malamig niyang tingin.

Umawang ang labi ko para lumanghap ng hangin. Hindi na gumagana ang baga ko dahil sa madilim niyang pagtitig rito. Lumapit sa akin si Koraun. May binulong siya sa akin dahilan para bumalik ako sa wisyo. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"You'll be safe as long as I'm breathing." he seriously said with his husky voice that's enough to vanish the coldness. I suddenly feel the warmth sensastion of his voice in my heart. He smiled at me and I nodded.

"That's too sweet of you son but I'm not sure if you can still able to breath until the end."

"Sabihin mo iyon sa sarili mo, Papa. Hinding hindi ako mawawala kaya mananatili siyang ligtas." mariin na saad ni Koraun. Suminghap ako nang nilabas niya ang kanyang mga pakpak. Ilang beses na akong nakakita ng anghel na naglalabas ng kanilang pakpak pero hindi pa ako humanga ng ganito.

Some demons look stunned too when they saw Koraun's wings too.

Ang kulay pulang pakpak na nakita ko kanina ay wala na ngayon, napalitan ito ng kulay abo. Mas lalo akong humanga roon. Wala pa akong nakikitang pakpak sa ganoong kulay.

Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga madidilim na kulay o ang mga kulay na malapit sa itim. Pero nagbago iyon ngayong nakikita ko si Koraun sa ganoong pakpak.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon