Kabanata 5

2.7K 148 7
                                    

Kabanata 5:
Visit

Tahimik kaming naglakad muli patungo sa sasakyan ni Koraun. Naawa na talaga ako sa kanya dahil tagaktak na ang pawis niya dahil sa init ng panahon at ang dami pang dala. He look so out of place in this kind of market. I can only see him in a very classy and high security malls to buy groceries. Hindi sa klase ng lugar na ganito.

He's an outcast in this place. I can clearly see some veins protruding on his arms while handling the six plastic bags. Nangangalit ang mga iyon dahil sa dami ng bitbit niya. Tahimik namin na nilagay ang pinamili sa backseat. Nang mailagay ang akin ay agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at nang matapos siyang maglagay ng mga plastic bags ay hindi na ako nagdalawang isip na punasan ang pawis sa gilid ng mukha niya.

Kitang kita ko kung paano siya natigilan sa ginawa ko. He look at me sternly that I shiver because of his stare. My hand almost shake because of sudden nervous. Marahan kong pinunasan ang pawis niya sa noo. He was just staring at me the whole time I'm wiping his sweats. I didn't even notice that I'm holding my breath the whole time I'm doing it. Kaya mabigat ang paghinga ko ng matapos.

"Thank you." he said at nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko kaya mabilis akong napaiwas para hindi niya mahuli ang pamumula noon. Pero mukhang huli na dahil narinig ko siyang tumawa.

"May bibilhin ka pa ba? O may pupuntahan ka?" he ask while smirk is playing on his lips. Tumikhim ako at naalala pa ang dapat bilhin.

"Uh pupunta sana ako sa mall para bumili ng phone. Sa drugstore na rin para sa gamot ni Lola." simple kong saad at napatango tango naman siya.

"I know a mall near here, I can drive you there." aniya at napakamot ako sa kilay ng palihim dahil sa hiyang nararamdaman sa kanya.

"Uh h-hindi na. Kaya ko namang maglakad roon para hindi ka na maabala pa." he bit his lips sexily and I can't help to stare on it. He titled his head cockily and look at me.

"No, kaya kitang samahan at baka maalala ko yung kailangan kong bilhin kapag napunta roon." tumaas ang kilay ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya pero tumango na lang ako at hinayaan siya sa kanyang gusto.

"Okay." I said and we hop inside the car and he started driving. Halos sampung minuto lang din ang ginawa naming pagmamaneho dahil malapit lang talaga ang naturang Mall. Pinark lang ni Koraun ang sasakyan at agad na kaming nagtungo sa loob. Nagtungo kami sa pang-apat na palapag ng mall dahil naroon ang bilihan ng phone.

Gusto ko sanang bilhin iyong mumurahin lang pero ayokong dayain si Lola kaya sinunod ko siya sa gusto niya. Bumili ako ng phone ayon sa perang binigay niya. Halos panghinayangan ko yung malaking halaga na binayad pagkabili ko dahil puwede pa naming magamit para sana pambili niya ng gamot sa mga susunod na linggo.

Sumunod ay lumipat kami sa panibagong phone store para bilhan ng phone si Lola. Hinahantay ko lang ang resibo at ang binili ko nang mapatingin ako kay Koraun na tahimik na nakatayo roon at tumitingin tingin sa mga phone. Lumapit sa kanya ang saleslady kahit hindi naman niya tinawag at kailangan.

Kumikinang ang mata ng babae nang ngumiti sa kanya pero hindi niya pinansin dahil biglang tumingin sa akin. Bigla akong napatalon sa gulat dahil roon. Lalo na ng bigyan niya ako ng maliit na ngiti. Ibabalik ko sana ang ngiti pero hindi ko magawa dahil nanginginig ang labi ko.

Napapansin ko na maraming babae ang halos mabali ang leeg para mapatingin lang sa kanya. Simple lang naman siyang nakatayo roon. Prente at kalmado pero sobrang nagsusumigaw ng sobrang kagwapuhan ang mukha niya. Kaya hindi ko rin masisi ang mga babae na halos magkagulo roon para lang masulyapan siya na parang ngayon lang sila nakakita ng ganoong ka gwapong nilalang.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon