Kabanata 29

1.8K 80 0
                                    

Kabanata 29:
Black

"You can't win if you keep dodging his attack by running away!" rinig kong saad ni Heather na hindi ko agad nasagot dahil halos mahigit ko ang aking hininga ng panibagong patalim ang nakita kong patungo sa akin. Mabilis akong tumakbo sa katabing puno at nagtago para iwasan ulit ang atake na iyon.

Nakaawang ang labi ko dahil sa paghahabol ng hininga. Kanina pa ako hinihingal sa ginagawang pagtakbo. Gustong gusto ko nang maihinto ito pero ang tanging paraan para magawa iyon ay may matalo sa aming isang tao. Sinubukan kong sumilip para tignan si Louis kung nasaan siya at nakitang papalapit na siya sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Tatakbo na naman ba ulit ako?

"Astrid use your knife!" sigaw ni Heather na nanood sa akin sa pageensayo na ito.

"W-What if I cut him accidentally?" tanong ko, balisa na dahil malapit na sa akin si Louis. Tamad lang siyang naglalakad papalapit sa akin na para bang wala siyang nararamdamang tensiyon o takot sa paglapit.

"That's it! You need to hurt him to win! That's the purpose of this training!" aniya at napasinghap naman ako roon.

"I can't hurt him!"

"If you don't, you're the one who'll get hurt!" Heather said and I can't able to answer her anymore when I stand up and get ready for Louis but I'm too late because he's already infront of me. I tried to use my knife on attacking but he's fast and immediately grab my neck and push me to the three.

Napariin ang pagtulak sa akin kaya napadaing ako sa sakit. Natigilan lang ako ng itapat niya ang patalim sa leeg ko habang wala siyang emosyon na nakatitig sa akin. Ang nakahawak kong dalawang kamay sa braso niya ay biglang bumagsak sa kahinaan.

Hindi ko na naman magawang manalo.

"Astrid!" rinig kong tinig ni Lovi at mukhang naging hudyat iyon para bitawan ako ni Louis at lumayo sa akin. Nanghihina akong napaupo sa lupa habang umuubong nakahawak sa leeg. Ang higpit ng kapit niya at ilang minuto kong hindi nagawang makahinga.

Sapo ko ang dibdib habang umuubo at narinig ko ang mga yapak nilang papalapit sa akin. Ang malalim na paghinga ni Heather sa tapat ko ang una kong narinig.

"Ayos ka lang?" si Lovi na agad tumabi sa akin at sinuri ang itsura ko. Tumango lang ako sa kanya kahit may naramdaman akong sakit sa leeg ko at pagkahingal.

"You didn't have any progress from the training yesterday. Tinuruan na kita kong paano gumamit ng mga patalim. Bakit hindi mo nagawa ngayon?" si Heather sa seryosong tinig at napaangat ang tingin ko sa kanya habang humihingal.

"Heather let her breath a bit before you ask questions. Tignan mo naman 'tong si Astrid at halatang nahirapan siya sa pageensayo!" pagtatanggol sa akin ni Lovi at mas lalo lang sumeryoso ang tingin ni Heather.

"Nahirapan lang siya sa pagtakbo. Tumagal lang ang laban dahil sa pag-ilag niya ng mga atake. Kung totoong laban ito at pagtakbo lang ang gagawin niya wala pang isang minuto at magagawa na siyang patayin ni Louis. Mabilis kumilos si Louis at hindi niya lang iyon ginamit ngayon." si Heather at bigla akong napayuko dahil alam kong bigo ako at dismayado siya sa akin.

"Nagsisimula pa lang tayo Heather. Hindi mo puwedeng asahan na magaling na agad si Astrid sa ilang linggo pa lamang na pagsasanay."

"Hindi tayo puwedeng magsayang ng oras! Demons are hunting for us and we have two weeks before they found out our location. Mapapatay si Astrid kung ganyan pa rin siya kahina sa sunod na linggo!" saad ni Heather at napasinghap si Lovi sa sinabi niya. Nakaramdam naman ako ng kaunting kirot sa puso ko pero mabilis kong hindi pinansin iyon.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon