Kabanata 31

1.8K 87 1
                                    

Kabanata 31:
Buhok

Nakatulala lang ako sa repleksiyon ko sa tubig na nasa loob ng hawak kong baso. I am staring on my eyes reflection and trying to know what I'm thinking right now. My mind is in haywire and full of clouded thoughts.

Akala ko magsisimula nang maayos ang lahat pagkatapos kong magawa ang unang pagsubok sa pagsasanay pero mukhang mas lalo pa yatang lumala. I didn't mean to hurt Louis that worst and he's still unconscious right now. Hindi ko alam kung kanino ba ako hihingi ng tawad. Hintayin si Louis para magising o makipag-usap kay Heather dahil kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha at tinig niya nang lagpasan ako kanina.

Parang hindi niya ako napansin kanina. Mukhang sobra talaga ang pag-aalala niya kay Louis na nagawa niyang hindi ako pansinin. I took a deep breath and my reflection in the water become blurred when someone steps towards me.

Inangat ko ang tingin at nakita si Lovi na binigyan ako ng maliit na ngiti. Binigyan ko rin naman siya ng maliit na ngiti na halos hindi ko magawa dahil sa panghihina. Ilang oras na akong nagpahinga pero kada maiisip ang nangyari kanina patuloy akong nanghihina.

Tumabi sa akin si Lovi at rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Agad niyang hinawakan ang balikat ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya at kahit ang tanong na iyon ay hindi ko malaman kung anong sagot.

"Hindi ko alam kung oo o hindi." mahina kong sinabi. Naging malungkot naman ang mga mata ni Lovi sa akin.

"You don't need to overthink on what happened, Astrid. In the kind of training you're doing with Louis, its expected something that bad will happened. Sa totoo, mas mabuting si Louis ang nakaranas ng ganoon dahil malakas ang kakayahan niya na magpahilom ng sugat agad kaysa sayo. Kung ikaw ang nakaranas ng ganon, nakakatakot na baka ilang araw kang walang malay." aniya at hinaplos ang mahaba kong buhok na hanggang bewang na ngayon at ngumiti sa akin.

"Pero sa tingin ko sobra siyang napuruhan dahil sa akin."

"Wala kang kasalanan. Naglalaban kayo na parang nasa totoong digmaan. May mga pangyayari talagang ganoon. Huwag ka nang mag-alala dahil maayos na ang kalagayan ngayon ni Louis. Kailangan niya lang ng pahinga at sigurado bukas ay magkakamalay na siya." ani ni Lovi at napabuntong hininga ulit ako.

"Ayos lang ba si Heather? Mukhang sobra sobra siyang nag-aalala. Natatakot ako na baka galit na siya sa akin ngayon dahil sa nagawa ko."

"She's alright. Don't worry. She's just worrying too much because Louis save her in the demons eight years ago. Sa tingin ko iyon ang panahon na tumakas kayong dalawa ni Heather." aniya at napasinghap naman ako sa gulat.

"Siya ang nagligtas kay Heather?"

"Yes, and the situation back then was worst. Mas marami ang demonyo kaysa sa mga anghel na nakakita kay Heather noong araw na iyon. Dalawa lang kami ni Louis na nakikipaglaban sa kanilang higit sampu. Heather witness how Louis almost die in demons hand. We're almost at disadvantage but some angels came to help us and we win to escape. Kaya ang nangyari kahapon ay maaring nagpaalala kay Heather ng sitwasyon na iyon." aniya at muli akong napatulala sa baso.

"Kung ganoon ay kasalanan ko kung bakit niya iyon naalala." agad naman na hinawakan ako ni Lovi sa balikat at umiling sa akin.

"Walang may kasalanan, Astrid. Lalo na ikaw. Hindi galit si Heather sayo. Bukas na bukas rin ay kakausapin ka na niya at magiging normal ang lahat." paninigurado niya sa akin at ngumiti para pakalmahin ako at ngumiti na lang din ako at tumango sa kanya.

Nagsasanay ako sa tamang pagdepensa ng sarili at kalaban ko ngayon si Lovi na siya mismo ang nagboluntaryo. Panay ang atake niya sa akin gamit ang patalim na hawak at sinasangga ko naman ang akin habang hawak ko sa kabilang kamay ay ginagamit na pang-atake. Ang malamig na pag-umagang hangin ay sabay na humahampas sa katawan naming mabilis na kumikilos.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon