Kabanata 11

2K 121 3
                                    

Kabanata 11:
Savior

I read the text I sent him a while ago. Malinaw na malinaw naman na nai-sent iyon pero wala pa rin siyang reply at nagsisimula na akong kabahan. Dalawang oras na akong nanatili ritong nakaupo. Ano na kaya ang nangyayari ngayon sa kanya? Nahuli ba siya ng mga guro dahil sa nangyaring komosyon. Marami pa namang estudyante ang nanonood noong mga oras na iyon.

Hindi na ako nakapagpigil pa at gumawa muli ako ng mensahe para kay Koraun dahil sobra na talaga akong nag-aalala. I'm so guilty, I want to go back on him and help him. If he was caught I want to take the consequence. Ako naman talaga ang may kasalanan at hindi siya.

Ako:

Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Pasensiya na. Dinala pa kita sa gulo na ako ang nagpasimula at tumakas pa ako. I'm sorry. Please text me back.

Tinitigan ko ang text at nakita na nagsent iyon at napahinga muli ako ng napakalalim. Simula ng maihatid ako rito ni Jessie, hindi ako umalis sa puwesto ko. Nanatili lang ako ditong nakaupo sa putol na kahoy. I don't want to go home yet while thinking about Koraun.

Pinadalhan ko na rin si Lola ng mensahe na may nangyari lang kaya medyo gagabihin ako sa pag-uwi. Mukha namang nabasa niya na ang mensahe ko at isang tuldok lang ang nareply.

Hindi pa masyadong sanay si Lola sa paggamit ng telepono kaya ganoon pa lang ang kaya niyang isagot sa mensahe.

Dalawang oras na ang nakakaraan at wala pa ring reply si Koraun. Hindi na ako mapakali rito sa kinauupuan ko. Bukod sa sobra akong nag-aalala kay Koraun kaya hindi ako makauwi ay kung pupunta man siya rito dahil inaasahan ko na iyon ang gagawin niya, ay gusto ko siyang makausap at masabi sa kanya ng personal ang paliwanag ko.

Kung tatawagan niya man ako sa phone at kakausapin, gusto kong makausap siya ng maayos at hindi ko iyon magagawa kung uuwi ako dahil mahina na ang signal sa bahay.

Pahirapan pa ang magsend ng text roon, kaya dati ay hindi magawang makatawag ni Koraun dahil paputol putol ang linya. Kung sa text naman ay ang tagal kong magreply dahil sa hina ng signal pero ang bilis magbalik ng mensahe ni Koraun. I wonder if he was waiting for my text all this time, but where's his reply now? I'm so worried about him.

Naghintay pa ako ng ilang oras roon pero wala pa ring text ni Koraun na kahit ano. Kahit isang tuldok na lang sana kagaya ng reply ni Lola pero kahit iyon ay wala.

Nagsisimula ng dumilim ang paligid at alam kong mahihirapan akong magbangka sa gabi dahil sa dilim. Hindi ko makikita ang daan ng maayos. Wala pa namang ilaw at nasa loob ako ng kakahuyan. Nabuga ako ng hangin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung uuwi ba o mananatili pa rito ng ilang oras para hintayin si Koraun.

Alas-sais na at hindi ko na masyadong makita ang paligid dahil sa dilim. Tumayo na rin ako dahil sa lamok na pinagpyepyestahan ang pagpapak sa akin. Tumingin ako sa kalsada umaasa na baka may sasakyan na paparating at si Koraun iyon pero wala akong marinig na kahit anong ugong mula sa malayo. Matalas ang pandinig ko at tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ng tenga ko.

Nanatili pa ako doon ng kalahating minuto. Umaasa na may reply o ugong ng kahit anong sasakyan pero wala akong nakuha at narinig kaya bumagsak ang balikat ko.

"Nasaan ka na Koraun?" I said and tried to call him but his line is out of reach. Tuluyang nang bumagsak ang pag-asa sa akin at sobrang dilim na ng paligid. Kung mananatili pa ako ng isang kalahating oras ay baka hindi na ako makauwi. Nakatanggap pa ako ng mensahe kay Lola na isang tuldok lang din pero alam ko na ang ibigsabihin noon na umuwi na ako.

Kaya kahit labag sa loob ko ang umalis ay humakbang na ako para makapunta sa bangka. Kalahating oras din itong paglalakad para makarating sa tabing ilog kung nasaan ang bangka. Dahil sa bagal kong humakbang dahil sa kawalan ng lakas ay baka maging isang oras.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon