Kabanata 8

2.4K 128 2
                                    

Your guardian angel was created to get you to Heaven.

Kabanata 8:
School

Iyon na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa pananatili ko rito sa mundo ng mga mortal. I unwind with him and I feel so content that I release all the heavy feelings I hid through all this years with the help of his presence. Halos makalimutan ko na nga lahat ng masamang iniisip ko ng matagal. Lahat ng iyon ay biglang naglaho sa mga halakhak at ngisi ni Koraun. Hindi ko nakakalimutan ang araw na ito.

I will treasure this memory in my heart. I feel so safe and at home in his presence. Hindi ko alam kung bakit hinihiling ko na muling maranasan na makulong sa maiinit niyang bisig kagaya nang una naming pagkikita. I don't know why I'm longing to feel his embrace.

Halos ginabi na kami sa pag-iikot ng paligid. Hindi ko alam pero maliit lang naman ng lupa na pinuntahan namin na puro puno ang paligid pero parang ang layo na ng nilakbay naming dalawa ni Koraun. Kung hindi lang dumilim ay hindi namin maiisipang tumigil sa paglilibot.

Halos hilahin ni Lola ang tenga ko habang salubong ang kilay sa entrada ng bahay ng makabalik kami. Sinigurado ko na walang nangyaring masama sa ginawa namin. Kinurot niya lang ako sa braso at hinila na sa kusina para magluto ng hapunan namin.

After strolling with Koraun I can still feel the tension and nervous when he's around. Muntik na akong hindi makapagluto dahil sa presensya niyang nakatitig sa akin habang gumagawa sa kusina.

Sa huli hindi nakatiis at tumulong sa akin. Hinayaan ko na lang dahil mukhang hindi ko na yata tatagalan ang paninitig niya. Noong gabing iyon, gulat ako na matikman ang luto niya. Masarap iyon at ang presentasyon ay nakikita ko lang sa mamahaling eleganteng kainan ng mga mortal na sobrang perpekto.

Sobrang maligaya ang araw na iyon hanggang sa mapagpaalam kaming dalawa para matulog.

Nanatili siya sa bakanteng silid na kasunod ng akin. Sabay kaming umakyat dalawa nang malinis ang kusina at masiguradong tulog na si Lola. Dahil kwarto ko muna bago siya ay mukhang naihatid niya tuloy ako. Binuksan ko ang pinto at sumandal sa hamba noon habang nakatingin sa kanya.

He's just standing normally but he looks so good. I sigh and give him a small smile. Nasa isang linya lang ang labi niya at seryoso ang mga mata pero nagawa akong ngitian pabalik.

"Good night." marahan niyang sinabi na parang nanghehele at nakaramdam tuloy ako ng antok. Napangiti ako pagkatapos ay napahikab. Napangisi siya dahil roon dahilan para mapatitig ako sa labi niya.

"Good night." sabi ko ulit at natigilan ako ng hawakan niya ang ulo ko. Medyo natigilan pa ako sa ginawa niya at sa huli ay tumawa na lang at kumaway na ako para magpaalam. He pulled his hand back and I instantly felt the longing of his hold. Seriously Astrid!

Isang kaway pa bago isara ang pinto. Habang dahan dahan siyang nawawala sa paningin ko. Agad akong napasandal nang tuluyang masara iyon. Napasapo ako sa dibdib kong mabilis ang pagtambol. I laid in my bed and close my eyes with a smile.

Dalawang araw pagkalipas noon ay muli kaming nagkita para ibigay niya sa akin ang papel para sa bagong eskwelahan na papasukan ko. I gasped with wide shock eyes while looking at the paper saying that I'm officially enrolled in a new school.

"Eastern University." basa ko sa bagong skwelahan kung saan ako mag-aaral. Nag-init ang mga mata ko at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin at nanlambot ang mga mata nang makita ang nangingilid kong luha.

"S-Salamat." nanginig ang boses ko sa sobrang gulat at paghanga. He step closer to me and my lips tremble. Ngumiti siya at hinuli ang ilang takas na hibla ng buhok at nilagay sa gilid ng aking tenga. I smiled more on his moves. I feel so overwhelmed in his gentle caress.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon