Kabanata 28

1.8K 104 0
                                    

Kabanata 28:
Forget

Isang malamig at malambot na tela ang marahang bumabalot sa braso ko nang dahan dahan dahilan para mabagal kong buksan ang mga mata mula sa malalim na pagtulog. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at ang lalim ng paghinga ko ay dahan dahan akong pinapakalma.

Malabo pa ang mata ko at kinusot ko iyon para maging malinaw ang paningon ko. Una kong nakita ang isang kayumangging kisame na gawa sa kahoy. Agad akong napaubo ng maramdaman ang paggaspang at pagtuyo ng lalamunan ko. Bigla akong nakarinig ng isang singhap mula sa tabi ko.

"Salamat naman at nagising ka na!" isang galak na boses ang narinig ko. Dahan dahan akong lumingon roon at nakita ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang din.

Nakita ko ang maamo niyang mukha at ang marahan niyang pagsilay ng ngiti sa labi. Mukhang hindi naman siya masamang nilalang. Huminga ako ng malalim at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang pagtagaktak ng pawis sa noo.

"Nasaan ako?" tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid na hindi pamilyar sa akin at kahit kailan ay hindi ko nakita. Lahat ng kagamitan ay gawa sa kahoy at mukhang may kalumaan na ito. May mga ilang palamuti rin sa loob ng silid na pinamumukhang simple ang disenyo.

Nahinto lang ang paglilibot ko ng tingin ng dahan dahang bumukas ang pinto.

"Huwag kang mag-alala nasa ligtas kang lugar." sabi ng babae na nasa tabi ko.

"Lovi gising na ba si Astrid?" agad na dumapo ang mga mata ko sa nagmamay-ari ng malambing na tinig na iyon at nakita si Heather. Umawang ang labi ko. Agad siyang ngumiti sa akin ng makita ako. Nakahiga ako sa isang kama na tama lang ang sukat para magkasya ako.

"Oo Heather. Mukhang sapat na ang pahinga niya kaya nagkaroon na siya ng malay." sabi noong babae na tinawag ni Heather na Lovi. Naglakad naman papalapit sa akin si Heather at agad naupo sa tabi ko.

"H-Heather." tawag ko sa kanya at agad niya namang hinawakan ang mga kamay ko.

"Ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" tanong niya at sandali akong hindi nakapagsalita dahil pinapakiramdaman ko pa ang palad niya na nakahawak sa akin. Sinisigurado na totoo ang lahat ng ito at nasa harap ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi lang ito isang ilusyon.

Mukhang nabasa ni Heather ang pag-aalinlangan ko kaya mabilis niya akong hinawakan sa pisngi.

"Hindi mo kailangang matakot, Astrid. Narito ako. Totoo ako. Mananatili ako sa tabi mo at hinding hindi ko na hahayang magkalayo muli tayo. Hindi na kaya huminahon ka." aniya sa marahang tinig at naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa pisngi ko na mabilis niyang pinunasan.

"Hindi ko mapigilan. Hindi pa rin ako makapaniwala na makita ka ngayon. Akala ko....A-Akala ko... hindi na muli kitang makikita." saad ko at napapikit saglit ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko.

"Patawad kung nawala ako ng ganoong katagal, Astrid. Patawad at hindi kita naprotektahan sa nga taon na iyon pero handa akong bantayan ka ngayon. Hindi na kita iiwan. Pangako." aniya at mabilis akong tumango.

"I'm glad.... I'm glad that you're safe too."

"Ganoon rin ako. Nangako ako sayong babalik kaya narito ako ngayon."

"Salamat, Heather." saad ko at muli siyang ngumiti sa akin at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa mukha ko at isinilid iyon sa gilid ng tenga ko.

"Stop crying now, Astrid." aniya at kahit gusto kong sundin ang sinasabi niya ay kusa lang tumutulo ang mga luha ko. Sa sobrang kagalakan na nararamdaman hindi ko na ito magawa pang pigila at kusang kumakawala ang emosyon sa akin.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon