Kabanata 25:
Moon LampHalos ibaon ko pa lalo ang mukha ko sa palad ko para lamang masiguradong hindi magagawa ni Koraun na makita iyon. Sinubukan niya muli iyong tanggalin pero mas lalo ko lang diniinan at narinig ko naman ulit ang halakhak niya.
"You're hiding your face too much, baby. C'mon remove that, I want to see you now." halos mapasinghap ako ng hawakan niya muli ang dalawa kong kamay sa pagtatago ng mukha ko. I hissed and about to hit him but stop right away. Makikita niya lang ang mukha ko kung ganoon!
Nakakainis naman kasi. Halos hindi ko na magawang maipakita ang mukha sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan na ginawa ko kanina. I was so embarrassed from what I done. Akala ko magandang ideya iyon pero sobrang nakakahiya! Halos lahat yata ng players ay huminto pagkatapos kong sumigaw at tinignan ang direksyon ko.
Sigurado akong sobrang pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. Hinding hindi ko pa makakalimutan kung paano huminto si Koraun at ngumisi pagkatapos marinig ang sigaw ko. Nakakahiya!
"C'mon, baby. Don't hide it on me. Don't be shy, I won't tease you promise." sa marahan niyang tinig at akmang tatanggalin ulit ang kamay ko pero lumayo lang ako sa kanya. Wala nga lang silbi iyon dahil agad kong naramdaman ang matigas na bagay sa gilid ko na alam kong pinto ng sasakyan.
"Koraun, stop it!" hindi ko alam kung naintindihan niya ba iyon ng malinaw dahil nakatakip ang palad ko sa bibig ko.
"You can't breath if you keep doing that, Astrid. C'mon remove your hand now." aniya sa medyo seryoso at marahang boses pero hindi ako nakinig. Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko at hindi ko muna kayang magpakita sa kanya ngayon. Napapapikit ako ng mariin kada maalala ang nangyari kanina.
Kahit iyong mukhang gulat ni Jessie hindi ko makalimutan sa isip ko.
"Lumayo ka sa akin. Ayoko sabing tanggalin 'to." medyo naiinis ko nang sabi dahil kahit nangako siya na hindi ako aasarin ay ramdam ko na nakangisi siya sa akin ngayon.
"No, I'll stay here. C'mon you may run out of breath if you keep covering your face." nag-aalala niya nang saad at hinawakan muli ang dalawa kong kamay. Parang bigla akong nanghina sa mga hawak niya kaya mabilis niyang natanggal ang pagkakatakip ng kamay ko.
Agad kong naramdaman ang lamig sa mukha ko ng maalis ang kamay sa akin. Ramdam ko ang pawis sa noo ko at agad iyong pinunasan ni Koraun. Matalim ang tingin ko sa kanya dahil kitang kita kong nakaangat ang labi niya.
"Nakakainis ka!" sabi ko sabay palo sa dibdib niya. Napapikit lang siya saglit at saka humalakhak. Sunod sunod ko naman siyang pinalo.
"Sabi na e! Anong hindi aasarin huh!" sabi ko at patuloy ang paghampas. Sinamahan ko pa ng suntok sa dibdib niya. Tumatawa lang siya at parang wala lang habang pinupunasan ang pawis sa gilid ng noo ko.
Mukhang ako nga lang din yata ang nasasaktan sa ginagawa kong paghampas kaya tinigil ko na lang. Hindi pa rin matatanggal ang ngisi sa labi niya at nafrufrustrate naman ako.
"Ugh, Koraun nakakainis ka talaga!" nangigigil ko nang saad at hinampas siya sa braso.
"I can't help it!" sabi niya at tumingin na sa mga mata ko ngayon pagkatapos punasan ang pawis ko.
"Uuwi na lang akong mag-isa." inis kong saad at akmang lalabas na ng sasakyan ng makarinig ako ng pagka click. Hindi ko na magawa pang mabuksan ang pinto kahit anong tulak ko.
"Koraun! Buksan mo 'to!" sabi ko at matalim ang mga matang bumaling sa kanya.
"There's no way you will come home alone, Astrid. Lagi kang uuwing kasama ako, got it?" sabi niya at napanguso ako. Kita kong agad siyang napatingin roon.
BINABASA MO ANG
Embracing His Downfall (Archangel Series #2)
Teen FictionWhat will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite their forbidden love?