Kabanata 40

3K 99 4
                                    

Angels can prompt and guide the thoughts of humans, but cannot violate our free will.

Kabanata 40:
Home

Mariin kong kagat ang labi habang pinapakiramdaman ang malakas na kabog ng puso ko dahil sa kaba. Nakatitig ako sa babas na nasa tapat ng isang gusali. Na tinatawag na mga mortal na condo. Katabi ko si Koraun sa loob ng sasakyan at ramdam ko na dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin na pawang pinapalakas ang loob ko.

"Don't be nervous, baby. You don't do anything bad to her." he whispered softly and caress my hands as he slowly intertwined it with his. My heart feel warm suddenly.

"Sigurado ka bang hindi siya magagalit?" tanong ko hindi maiwasang kabahan sa kung ano ang magiging reaksiyon ng babae kung bigla akong makikita ngayon.

"Why would she hate you? There's no reason for that to happened. Siguradong malayo sa magiging reaksiyon niya ang iniisip mo." aniya at huminga ako ng malalim at dahan dahang tumango.

"Sige, labas na ako. Pupuntahan ko na siya." sabi ko ng lumakas na ang loob at tumango lang sa akin si Koraun.

"Go now baby. Maghihintay ako rito Don't hurry and enjoy your time with her." he said as he move his head closer and give me a kiss in my forehead, down to my nose and to my lips. I giggle after a long sweet kiss. I kiss him too in his jaw first before I stepped out on his car.

I heard him chuckled and I wave my hand before turning my back to him. Biglang bumalik ang panlalamig sa akin ng dahan dahan na akong naglakad patungo sa babae. She's busy typing something on her phone, probably texting someone.

Sa mga buwan na nagdaan, wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya sa biglaan kong paglaho. Wala akong naging balita at ngayon lang kami muling magkikita.

Napansin niya ang paghinto ng kung sino papalapit sa kanya at dahan dahan siyang lumingon kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagtama ang mata namin. Kitang kita ko ang paglaglag ng panga niya at panlalaki ng mata.

Malakas siyang napasinghap at nakita ko na lang na kumislap na ang mga mata niya dahil sa luha. Bigla na lang din nag-init ang mga mata ko pero sinubukan kong iangat ang sulok ng mga labi para bigyan siya ng isang ngiti.

"Hi, Jessie. K-Kamusta?" nabigo akong pakalmahin ang sarili. Nanginig ang tinig ko at umagos ang luha ko sa pisngi.

"P-Patawad kung nawala ako b-bigla---"

"Astrid! Oh my god!! Is that really you?!!" malakas niyang sigaw at halos mawalan kami ng balanse pahero ng malakas siyang tumalon para yakapin ako ng mahigpit. Natawa ako sa ginawa niya pero tumulo na ang mga luha sa pisngi ngayon at narinig ko siyang humikbi.

I caress her back.

"I miss you too, Jessie."

Huminga ako ng malalim at kumuha ng kutsara para tikman ang sabaw ng niluluto kong ulam. Hinipan ko muna iyon at dahan dahang tinikman. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng umayon ang lasa sa dapat na mangyari.

Hinalo ko pa ng kaunti ang ulam at hinayaan iyong kumulo saka ko tinakpan ng takip. Pupunasan ko na sana ang pawis na namuo sa noo ko nang may mga biglang tela na dumapo na roon at may isang braso na pumulupot sa bewang ko.

Napasinghap ako ng tumama ang likod ko sa mainit niyang dibdib at naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagpunas sa pawis ko sa noo.

"My baby is sweating too much." Koraun whispered and I feel a slight shiver when I feel his hot breath in the side of my ear. My heart pounded loudly when he grab my waist that make my body pull more closer to him.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon