Chapter 1 Condo Tour

1.3K 52 3
                                        

"Hey guys! What's up? It's me Cynthia! And we are back to another kalokohan and kagutuman" intro ni Cynthia sa vlog niya.

Nakajacket siya para hindi mahalata ang bruises na natamo niya.
Nandito kami ngayon sa condo niya at nagvvlog siya. Ilang araw na din ako dito at hindi din alam ng pamilya niya ang nangyari sa kaniya dahil ayaw niya daw mag alala sila.

Ako naman ay nagtext ako kagabi sa sister ko na I landed safe here and may natirhan na ako. I used my spare sim to send her a message dahil mahirap na baka mahanap ako. After non tinapon ko na din agad iyon.

"For today's video mag cocondo tour tayo! Since most of you are requesting this gagawin na natin, pero bago ang lahat kakain muna ako. As you can see kaharap ko nanaman po ang pagkain at ako'y gutom nanaman" dagdag niya pa habang natatawa. Lagi kasi yang gutom pero di tumataba.

Ang sexy nga eh!

Kumain naman kami bago niya isunod ang next clip ng video niya.

For the next clip she handed me the cam para makapaglakad siya ng maayos at magawa ang condo tour niya.

Sa ilang araw na pananatili ko dito, napatunayan ko na she's not just a pretty face but she's also a nice pal. She treated me well and never niya pinaramdam sa akin na binabayaran niya lang ako para magtrabaho sa kaniya. She's rich and famous but she's very simple and hindi maarte. Siguro sa katawan, yeah given na yun since she needs to maintain her good image but all in all okay siya. Kahit ano kinakain niya. Di tulad ng iba healthy living kuno pero mukha namang unggoy. Lol jut kidding! Gulat lang kasi ako kasi mas maarte pa ako sa kaniya.

"So guys, wait lang po kasi mukhang may sakit tong videographer ko check ko lang"

"Hey! Are you okay?" tanong niya nakapagpabalik sa akin sa realidad.

She walked near me at sinalat ang noo ko. Hmm she smells so good!

"May lagnat ka!" bulalas niya.

"I know" balewala namang sagot ko.
Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko bumangon sa kama para mashoot itong vlog ni Cynthia.

Well, sa guest room ako pinatuloy ni Cynthia pero namamahay ako. Malaki itong unit niya kaya hindi niya ako pinayagan na sa sofa lang. Dahil na din siguro sa pamamahay ko at ilang gabing wala akong tulog kaya ito ako nagkalagnat.

"What?! MAY LAGNAT KA TAPOS HINDI MO SINABI" kinuha niya mula sa akin yung camera na hawak ko saka inilapag muna.

"Calm down. Baka maging prank pa itong condo tour mo" I joked but she's still shooting me death glares.

"Nakakatawa yon?" Inis na sabi niya kaya umiling nalang ako.

"Ako nalang magpapatuloy nitong vlog. Magpahinga kana. Hahatiran kita ng gamot sa kwarto mo" sabi nito pero umiling ako.

"No, kaya ko naman. Ituloy na natin"

"I said go to your room!" wala na akong nagawa kundi sundin siya kasi alam ko seryoso na ito.

Dahil din sa ilang araw ko na pagtira kasama siya, napansin ko din na napakacaring niya at sobrang malalahanin sa mga tao sa paligid niya. Lalo na sa bunso niyang kapatid na kahit na sa phone lang sila nagkakausap ngayon ay kitang kita ang concern niya para sa nakababatang kapatid kaya feeling ko din tuloy kapatid niya ako pagkasabi niya ng 'go to your room' lol. Mas matanda kasi siya ng tatlong taon. She knows it since sinabi ko sa kaniya but I didn't tell her na that the day we met was my birthday.

Pagkapasok ko ng room ko ay kinuha ko agad ang baon kong thermometer. Dala dala ko ito lagi kahit saan ako magpunta kasi noong nag aaral pa ako kahit may lagnat ako ay pumapasok pa din ako sa school. That's how much I love going to school. Hays bigla ko tuloy namiss yung friends ko. Panigurado kasama sila ngayon sa iniimbistigahan dahil sa pagkawaala ko.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon