Chapter 10 First Kiss

627 38 0
                                    


Nahla’s POV

Sa mga sumunod na araw ay naging busy ako sa school at sa pent house na bigay ni Sapphire.

Yes, she gave me a pent house tapos sa building lang din where Cynthia’s unit is located. It was a late birthday gift din daw since 6 months na ang lumipas. Sapphire also gave me a car but of course I refused to use it. Duh san ka nakakita ng isang hamak lang na editor at videographer ni Cynthia Altamirano tapos naka lamborghini? Yeah! Sapphire must be crazy. She gave me a car that is too flashy. But she insisted. Just like Cynthia, Sapphire is not comfortable of me riding my motorbike.

I can use it naman daw secretly like kung may gusto akong puntahan na hindi kasama si Cynthia.

So ayun nga naging busy ako sa pag aayos sa pent house na iyon. Gusto kasi ni Sapphire ako ang mag design ng interior since ako naman daw ang may ari. From the sofa, tables, cabinet, beds and etc. Inasikaso ko lahat buong week. Every dismissal diretso agad ako sa mall o sa mga furniture shop para mag order ng para don. Ayoko kasi sa online mag order kasi di ko masusuri yung quality. I’m not into aesthetic types lang kase. Gusto ko matibay din at tatagal. Just like how relationship should. Lol

Today is Sunday and ngayon lang ulit kami nagkasama ni Cynthia. She was also busy sa mga tapings niya kaya no vlogs muna.

I am now sitting here in the living area while advance reading my books and Cynthia’s just sitting on the floor while facing her laptop. We are both busy so walang nagsasalita.

“What do you think about me being in a relationship with Calvin?” She suddenly asked kaya napatigil ako sa pagbabasa.

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagbabasa at seryoso siyang tinignan.
She was just patiently waiting for my answer. Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin ngayon at itinigil ang ginagawa sa laptop kaya tuluyan ko na ding ibinaba ang hawak na libro.

“If you are now ready and if that’s what your heart says then go. Basta if he tries to hurt you or make you cry, just come running to me. I got your back” I answered her.

She’s already old and alam niya na ang ginagawa niya kaya kahit ayoko sa Calvin na iyon ay hindi ko na siya pipigilan pa.

She walked near me and then hugged me. “Thank you”

“Ako naman ang magtatanong sayo ngayon” sabi ko naman kaya napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako na may pagtataka.

“What do you think about me moving out of your house?” tanong ko dahil balak ko na talaga bumukod.
I can still work for her while in my own pad so I think wala naman problema.

“W-what? You’re gonna leave me?” she sadly asked kaya I was taken aback.

“No, I’ll still work for you. Bubukod lang ako since I think I can already afford a small apartment. Nahihiya na din kasi ako sayo eh” dahilan ko which is true naman din kasi feeling ko I’m being too dependent sa kanya which is nakakahiya na sa part ko. Ang tanda ko na pero umaasa pa din ako sa iba. That’s why ayoko din gamitin yung binili ni Sapphire na car kasi ang bilis ko lang nakuha at hindi man lang ako naghirap. I want to establish things on my own.

I can’t tell her about the pent house. She’ll ask about it and I don’t want that to happen kasi hindi ko alam ano isasagot ko kaya small apartment lang ang sinabi kong lipatan ko.

Humalukipkip siya at sumandal sa sofa habang nakaharap sa akin.
Pinagmamasdan niya lang ako at hindi nagsasalita. Medyo nacoconscious na ako sa mga tingin niya.

Magsasalita na dapat ako pero bigla siya nagsalita na ikinagulat ko.

“I know you don’t need me nor the money I’m paying you but I need you, Silver” I stiffened.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon