The next day pumasok ako ng school and as usual kasama ko lagi si Harriet. Ang daming lumalapit to make friends but I always declined. Andyan yung mag aaya kumain every lunch and tuwing vacant. Luckily masyado ding busy si Harriet para makipagkaibigan pa sa iba. Nag try out siya sa judo nung summer and she got accepted kaya ngayong uwian ay may training siya.
"Bye, girl. Drive safely, okay?" Paalam niya bago kami maghiwalay.
Siya papuntang gym and ako sa parking lot.
"Yeah sure. You too! Don't get injured" sagot ko naman.
Nang sasakay na ako sa motor ko ay nag ring ang phone ko and It's Cynthia.
"Hello, Nahla. Where are you?" agad na tanong niya pagkasagot ko.
"Hello, pauwi na ako. Why?" I asked.
"Good, dito ka sa house dumiretso. We'll shoot today. Nandito na yung kacollab ko sa house. Remember the one I told you before? " sabi niya.
Oo nga pala may nabanggit siya dati na famous vlogger na makakacollab niya. Hindi niya nga lang nabanggit kung sino. Hindi na din ako nagtanong dahil sanay naman na ako na madaming gusto na makacollaborate siya.
"ah okay, I'll be there in a few"
"Don't rush. Drive safely. We're preparing pa naman eh" concern na sabi niya.
"Alright, see yah!"
"Yeah see you in a bit"
After the call ibinulsa ko na ang phone ko and then sumakay na sa motor ko at pinaharurot ito pauwi sa bahay nila. Mas malayo kasi ang house nila kesa sa condo niya. Their house is in parañaque while her condo is just somewhere in Manila near my school.
Pagdating ko ay nadatnan ko siya sa may pool area kasama si Miyu.
Niyakap niya naman ako just like what she always does pag umuuwi ako galing kung saan. Nginitian ko naman si Miyu at ginulo ang buhok. Mamaya ay chichikahin ko siya about school.
"Magpalit kana sa taas. Dito tayo magpapalipas ng gabi. Nag cr lang yung kacollab ko" sabi niya kaya tumango lang ako at umakyat.
Sa guest room ako dumiretso kung saan ang iba kong gamit. Pag kasi umuuwi dito si Cynthia ay dito ako tumutuloy sa guest room kaya iniwan ko nalang ang iba kong gamit dito para wala na akong dala pag andito kami. Sinuot ko lang ang mask ko saka bumaba na.
Pagbaba ko ay nandoon na ang kacollab niya at nakatalikod ito sa akin habang tanaw ko sila ni Cynthia na nag uusap.
"Oh she's here!" excited na sabi ni Cynthia pagkakita sa akin kaya lumingon na din sa gawi ko ang babae.
Napatigil ako sa paglapit nang makita kung sino ang nasa harap ko.
What the hell?!
Anong ginagawa niya dito?
"Oy Nahla lapit kana dito! Ganda niya sa personal no? Ako din nastarstruck kanina eh" sabi pa ni Cynthia habang nakangiti sa akin.
Nang mapansin ni Cynthia na wala akong balak lumapit ay siya na ang humila sa akin palapit sa babaeng nakangiti pa din sa akin. Mukhang ako lang ang nagulat dahil base sa reaction niya ay mukhang inaasahan niya na makikita niya ako dito.
Kahit nakamask ako alam kong nakikilala niya ako. I can see the longing in her eyes behind her sweet smile.
"Sapphire, meet my videographer. She's Nahla and she has allergies that's why she's wearing a mask" pagpapakilala sa akin ni Cynthia na may halong kasinungalingan.
Sa lahat ng nakacollab niya ayan lagi ang dahilan niya para di sila magtaka at magtanong kung bat ako nakamask. Well, I don't mind naman kasi It's for my own sake din naman.
BINABASA MO ANG
The Vlogger's Editor
RomanceA famous actress and vlogger Cynthia Altamirano was robbed and nearly got raped but a runaway Australian girl Nahla Silva helped and saved her in exchange of having a place to live and a job to sustain her living. The job was to become the video ed...
