Chapter 12 Confused

542 23 2
                                        


Cynthia’s POV

So ayun nga, napag alaman ko kay Miyu na si Orion pala ang salarin kung bakit may sugat ang Silver ko!
Oo Silver ko dahil gusto ko akin lang siya.

Tinawagan ko si Miyu kagabi at kinamusta and then ayun tinanong nya sa akin kung okay lang daw ba si Silver.

“Bakit mo natanong? Okay lang naman siya pero putok yung labi eh saka may sugat sa pisngi. May kaaway ba siya sa school?”

“Ate kasi…”

Natahimik siya sandali parang nag aalangan sabihin sa akin.

“Miyu may hindi kaba sinasabi sa akin?” Seryoso kong tanong kaya napabuntong hininga naman siya.

“Ate may senior high kasi na babae na biglang sumugod sa akin kasi pinagbibintangan akong inaagaw ang boyfriend niya. Ni hindi ko nga po alam sino boyfriend niya eh nagulat nalang ako sinampal ako nung babae” paliwanag niya saka bumuntong hininga nanaman.

“Ano?! Miyu sino ang babaeng iyon?! Isusumbong ko sa admin! Okay ka lang ba sis? Bukas pupuntahan kita sa school” galit kong sabi.

“Wag na ate naayos naman na nung dumating si Ate Nahla. Pinagsabihan niya yung babae tapos ayun dumating yung ate nung nanampal sa akin. Team Captain daw ng muay thai dito yun si ate Orion. Bestfriend ni ate Harriet. So ayun nga nagalit si ate Orion kay ate Nahla kaya sila yung nag away. Lumabas sila at don sa bakanteng lote malapit sa school don sila nagkasakitan”

Paliwanag niya pa.

Aba! Tama lang pala na iniwan namin si Orion don sa restroom. Siya pala ang salarin!

“Miyu mag ingat ka naman kasi! Bat kaba kasi napagkamalan na nang aagaw ng jowa?!”

“Ate hindi naman ako yung may kasalanan eh! Nahuli nung babae na iniistalk ako sa fb nung boyfriend niya! Ayun sinugod agad ako kahit wala naman talaga akong kinalaman sa kanila. Pero infairness ate ha ganda nun ni Killa HAHAHAH natulala nga ako pagkasampal sa akin eh” tumatawa niya pang sabi. Weird ha nasampal na nga nagawa pang tumawa.

“So Killa pala ang pangalan! Lumayo layo ka diyan baka susunod niyan sapak na abutin mo!”

So ayun kay Miyu ko nanaman nalaman ang mga bagay bagay kaya ito ako ngayon at nagpresenta na ihatid si Silver sa school.

“Susunduin din kita mamaya. Wag ka nanaman kung saan magpupunta!” mahigpit kong paalala ko nang maitabi ko ang sasakyan ko.

“Do I have a choice?” she rolled her eyes.

“Syempre wala” sabi ko naman pero ngumiti pa din siya saka ako hinalikan sa noo.

“See yah!” sabi pa neto at akmang bababa na ng hilain ko siya.

“Hoy teka bitin eh” sabi ko saka siya hinalikan ng mabilis sa labi. “Sige na baba na”

Kagat labi naman siyang bumaba habang namumula habang ako ay di mapigilang mapangiti.

Hays ano ba tong nangyayari sa akin?
Pasalamat nalang ako at hinahayaan niya lang ako sa mga ginagawa ko sa kanya.

After driving her to school dumiretso na ako sa taping namin at hinanap agad ng mata ko si Calvin. Hindi dahil gusto ko siya makita, kundi gusto ko siya komprontahin dahil sa ginawa ng kapatid niya sa kapatid ko.

Di naman ako nabigo dahil pagkakita niya sa akin ay agad niya akong nilapitan at hinalikan sa cheeks kaya ito tilian naman ang mga bobo naming mga kasamahan dito na nalilinlang ng mga pinapakita namin.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon